Chapter 1

47 2 1
                                    

Chapter One:

            ANG KALAT NAMAN NG KWARTO KO. Kailan ba kasi babalik si Aling Minda para malinis na ‘to. Ang dami ng alikabok.

Inayos ko ang mga nagkalat na gamit sa sahig at sa lamesa. Kinuha ko ang kahon sa ilalim ng aking cabinet upang doon ilagay ang iba ko pang gamit.

            Ngunit sa aking paglalagay ng gamit, napansin ko ang lumang puting notebook, kinuha ko ito at binuklat. Sa pagpihit sa mga pahina ng notebook, nanumbalik ang mga ala-ala ng kahapon na dati ko ng kinalimutan. Mga pangyayaring ibinaon ko na sa limot. Mga pangyayaring naghatid sa akin ng pinakamasasaya kong ala-ala ngunit naghatid din sa aking ng malulungkot na bagay.

            APAT NA TAON. Apat na taon ang gugugulin ko sa pagpasok sa high school. Apat na taon ang kailangan kong mapunan upang matapos ko ito. Magsisimula na naman akong gumuhit ng iba’t ibang karanasan na siyang maghahatid sa aking sa lugar na hindi ko pa alam kung saan.

            PINASOK KO ANG MALAKING GATE NG AKING PAARALANG PAPASUKAN. Bago ako dito sa lugar na ito, wala akong kakilala, walang kaibigan, walang kausap, walang kakulitan, at walang maisip. Ang alam ko lang dito sa lugar na ito, bubuo ako ng mga baging ala-ala. Naglalakad ako papunta sa aking classroom noon. Unang araw ng pasukan, maraming mga estudyanteng kagaya ko ang nagmamadaling pumunta sa kani-kanilang mga classroom. Mababakas sa kanilang mga mukha ang pananabik, kasiyahan, paninibago at kung ano pang dapat maramdaman sa pagtungtong mo sa high school.

            “Ano ba tumingin ka naman sa dinadaanan mo,” Sigaw sa aking ng kumakaripas na babae na bumangga sa akin.

            “Pasensya na.” Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa classroom na pupuntahan ko. Hindi ko namalayang nandito na pala ako, tiningnan ko ang pangalan ko sa listahan na nakakapit sa pintuan, nakita ko naman agad ang ‘Lance Montereal’.

            “Hi Lance! Ako si Ana, magiging classmate mo?” Bati sa akin ng babaeng kasabay kong tumingin sa listahan.

            “Hi Ana, paano mo ng pala nalamn ang pangalan ko?” Pagtataka ko.

            “Nakita ko kasing tinuro mo ‘yung pangalan mo sa listahan,” tapos tumawa siya.

            “Ganun ba! Sige pasok na tayo.”

            MAGULO AT MAINGAY ANG MGA TAO SA LOOB NG CLASSROOM. May nagkwekwentuhan tungkol sa mga pinasukan nilang school noong elementary, meron namang nagpapakilala, may nakikinig ng kanta, may nagsusulat sa black board at kani-kanilang mga lamesa  ng mga kung anu-anong bagay na di na dapat sabihin pa, may nagliligawan yata at may nakaupo lang, tahimik at wari ko, malalim ang iniisip. Naagaw ng babae sa sulok ang aking atensyon. Mag-isa lang siya doon, wlang kausap, walang kakwentuhan, siguro wala din siyang kakilala dito gaya ko. Nilapitan ko siya para doon umupo sa bakanteng silya sa tabi niya.

            “Ms. may nakaupo ba diyan sa tabi mo?” Tanong ko dun sa tahimik na babae.

            “Wala pa naman,” sagot niya.

            “Pwede bang diyan ako maupo sa tabi mo?” Tanong ko ulit.

            “Pang single lang kaya ‘tong upuan ko, tatabi ka pa, ang sikip sikip na kaya oh, okay ka lang?”

            “Ang ibig kong sabihin sa katabi mong silya, dito.” Sabay tinuro ko ‘yung silya.

            “Okay lang hindi naman akin ‘yan eh.” Matapos niyang sabihin ang mga iyon, bumaling siya kabilang direksyon at muling nag-isip ng malalim. Pagkaupo ko pinagmasdan ko siya, natanong ko sa sarili ko, “bakit naman kaa ang tahimik ng babaeng ito.” Hindi ko na napigilan ang sarii kong basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

HayskulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon