Chapter 5

8 0 0
                                    

MATAPOS KUMAIN NG HAPUNAN AY NAGPAALAM NA SI ROSE KAY MAMA. Sinuot ko ang jacket ko, lumabas na kami ng bahay, kinuha ko mula sa may gilid ng bahay namin ang aking bisikleta at muling isinakay si Rose sa may unahan.

            “Alas siyete lang pala,” sabi ni Rose habang binabagtas namin ang daan papuntang Ermita.

            “Bakit may gusto ka pa bang puntahan o kaya ay gawin?” Pagtataka ko.

            “Gusto mo bang pumunta sa may puno ng Acacia?”

            “Ikaw gusto mo ba?”

            “Sige, wag na lang baka gabihin ka pag-uwi.”

            “Hindi, ayos lang sa akin.”

            Bago ko ihatid si Rose sa bahay nila ay pumunta muna kami sa may puno ng Acacia malapit sa aming iskwelahan. Pagbaba namin ng bike ko ay dumiretso agad siya sa may puno ng Acacia at doon siya humiga, kaya naman humiga na rin ako.

            “May problema ba at pumunta ka dito?” Simula ko pero hindi siya umimik. Kaya pinabayaan ko muna siyang makapag-isip at matagal ding pumagitna sa aming dalawa ang pader ng katahimikan.

            Maya maya pa’y sinilip ko siya. May mga luhang kumawala sa kaniyang mapupungay na mata, ang pangyayaring iyon ang siya ng sumagot sa kanina ko pang tanong. Kaya bumangon ako sa pagkakahiga at umupo.

            “O, bakit ka umiiyak, anong problema?” Tanong ko. Tumayo na rin siya at umupo. Iling lang tangi niya reaksyon sa tanong ko. Siguro masyadog personal ang problema niya kaya’t hindi niya ito masabi sa akin.

            “Ayos lang kahit mo sabihin, basta iiyak mo lang ‘yan, nandito naman ako para pahiran mo ng luha at ng tumutulo mong sipon.” Tumawa ako ng bahagya para mapasaya naman siya at napangiti naman siya sa sinabi ko.

            “Salamat, Lance,” sambit niya habang hikbing hikbi.

            “Para saan naman?”

            “Sa lahat.”

            “Sa lahat?”

            “Sa lahat, lagi kang nandiyan kung kailangan ko ng masasandalan, lagi kang nandiyan par pasayahin ako, lagi kang nandiyan para samahan ako at lagi kang nandiyan bilang kaibigan ko. Kaya salamat sa lahat.”

            “Wala, ‘yun, basta pag ako naman ang nangailangan, sana nandito ka rin sa tabi ko.”

            “Lance?”

            “Bakit?”

            “Huwag kang aalis sa tabi ko, ikaw lang kasi ang tangi kong kaibigan?”

            “Asahan mo pa ‘to.” Sabay suntok ko sa dibdib ko.

            “Makaganyan ka naman kala mo kalaki laki ng katawan,” sabay tawa niya.

            “Ikaw ha, pinagnanasaan mo ‘tong katawan ko no?”

            “Kapal mo.” Sabay hampas sa mukha ko.

            Wala pang balak umalis si Rose dito kaya naman kahit medyo gabi na ay sinamahan ko muna siya. Ilang saglit pa ay napansin kong parang nilalamig si Rose kaya naman hinubad ko ‘yung jacket ko at isinuot sa kanya. Sinubukan niyang tanggihan iyon pero ipinagpilitan ko pa rin sa kanya. Kahit ako ang nilalamig ngayon ay ayos lang sa akin. At ngayon sabay naming pinapanood ang langit na nilatagan ng mga kumikislap na tala at isang napakagandang buwan. Habang pinagmamasdan namin ang buwana at mga tala sa langit ay isinandal niya ang ulo niya sa mga balikat ko.

HayskulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon