Chapter 4

14 0 0
                                    

“ANG SAKIT BATOK KO,” nasambit ko nang bumangon ako mula sa pagkakahiga ko.

            Nakatulog pala ako ng matagal, hindi ko na namalayan ang oras. Tiningnan ko ang oras sa relo ko sa kaliwang kamay, alas-singko na, kanina pa palang uwian, nagliligpit na ako ng mga kalat at pinagkaiinan namin ni Rose sa paligid nang maalala kong kasama ko nga pala si Rose dito.

            “Rose! Iniwan na yata ako ni Rose, ang tagal ko na din kasing nakatulog,” nasabi ko na lang sa sarili ko. Nilingon ko ang paligid, hinanap ko siya.

            “O, Lance, may problema ba?” Naglakad si Rose mula sa kabilang bahagi ng puno.

            “Nandiyan ka pa pala Rose, wala naman, akala ko kasi iniwan mo na ako.”

            “Bakit naman kita iiwan, ang himbing himbing nga ng tulog mo, baka pag-iniwan kita pagpiyestahan ka na ng mga lamok diyan at may gumalaw pa sayong kung sino,” sabay tawa niya.

            “Ikaw ha, nagiging concern ka na sa akin, baka mamaya...” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa mabilis niya iyong pinutol.

            “Hoy hindi a, ito talaga, umuwi na nga tayo at baga abutin pa tayo dito ng dilim.”

            “Sige na.”

            NAGLAKAD NA KAMI PAUWI. Masaya naming pinagkukwentuhan ang mga mukha namin habang natutulog kanina, nagtatawanan, at nagbibiruan. Isiningit ko sa kwentuhang iyon ang tungkol sa pagpapaturo ko kay Rose para sa paparating na exam.

            “Rose,” tawag ko sa pangalan niya.

            “Bakit?” tanong naman niya.

            “May gagawin ka ba bukas?”

            “Wala naman, bakit anong meron?”

            “Dahil sabado naman bukas, bukas na sana ako magpapaturo sayo para sa exam natin, iyon ay kung ayos lang sayo?”

            “Oo ba, ayos lang sa akin.”

            “Paano pupunta na lang ako sa inyo?”

            “Naku huwag na, sa bahay niyo na lang natin gawin ‘yung review.”

            “Si-sige, ikaw bahala. Sunduin na lang kita sa bahay niyo?”

            “Huwag na, huwag na. Kayo kong pumunta sa inyo mag-isa basta ibigay mo ang address ng bahay niyo.”

            “Sunduin na lang kita dito sa kanto niyo, kahit hanggang doon na lang.”

            “Ang kulit mo talaga kaya sige na nga, hintayin mo na lang ako dito sa may kanto.”

            Nagpaalam na ako sa kanya. Nang makarating na ako sa aming bahay, agad akong dumiretso sa kwarto ko, isinaksak ko ang cellphone ko sa computer, kinuha ang ang picture ni Rose na kuha ko kanina at pinirint. Ikinapit ko ito sa dingding ng aking kwarto. Sa ngayon may tatlo ng picture si Rose sa dingding ko, mga litratong hindi niya alam na kinuhanan ko siya. Pagkatapos kong kumain ng hapunan, bumagsak na aking mga mata dahil sa pagod at antok nakatulog na ako.

            KANINA PANG TUMUTUNOG ANG ALARM CLOCK KO. Tinatawag ng nanay ko ang pangalan ko, kung bakit ayaw ko pang gumising, kanina pang tumututunog ang alarm clock ko, nakakabingi na daw.

HayskulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon