Chapter 6

5 0 0
                                    

IBINABA KO MUNA ANG LUMANG NOTEBOOK NA BINABASA KO KANINA. Binuhat ko ang dala-dala kong kahon na pinaglagyan ng iba pang nakakalat na gamit. Pumunta ako ng kusina para kumuha ng makakain, napatingin ako a may bintana, hapon na pala, hindi napansin ang oras. Nagluto na ako ng kakainin ko sa hapunan, maya maya pa’y tumunog ang cellphone ko.

            “Hello po manang,” sagot sa kabilang linya.

            “O, hijo, pasensya ka na at bukas pa ako makakabalik,” paghingi ni manang ng paumanhin sa akin.

            “Okay lang po ‘yun manang, kumusta na po kayo?”

            “Ayos lang naman ako hijo, e, ikaw ayos ka lang ba diyan, kumain ka na ba ng hapunan?”

            “Ito po manang nagluluto na po ako.”

            “Pasensya ka na talaga hijo, pangako bukas papunta na ulit ako diyan.”

            “Sige po manang.” Tapos pinutol ko na ang tawag.

            Matapos kong magluto ay kumain na ako at bumalik na sa taas. Kinuha ko ulita ang lumang notebook at ipinagpatuloy ang aking pagbabasa.

            PAGPASOK KO NG CLASSROOM AY NAKITA KO AGAD SI ROSE. Umupo ako sa upuan ko ng hindi siya pinapansin. Nang ibaba ko ang mga gamit ko ay dumiretso na agad ako kay Ana.

            “O, bakit hindi mo pinapansin si Rose?” Bunagd na tanong ni Ana.

            “Hindi ko alam, ‘yun ang nasa isip ko e,” sagot ko naman.

            ‘Nagtatampo ka no?”

            “Hindi a.”

            “E, ano ‘yang paiwas iwas mo?”

            “Wala, hindi naman ako umiiwas at hindi rin ako nagtatampo.”

            “Ang gulo mo din e, bumalik ka na nga dun at nandiyan na si ma’am.”

            Bumalik na ako sa upuan ko pero hindi ko pa rin pinapansin si Rose. Maging sa ibang klase hindi kami nagpapansinan. Mataim kaming nakikinig sa aming mga guro. Naiisip ko tuloy paano kung nahihiya siya sa akin dahil sa nangyari kahapon, kailangan ba ang maunang humingi ng tawad? Paano kung galit talaga siya sa akin, kailangan bang hintayin kong siya ang unang kumausap sa akin? Hindi na ako mapakali, hindi ko alam ang gagawin ko.

Ilang saglit pa ay inabutan ako ni Rose ng isang pirasong papel na nakatupi. Binuklat ko ito at may nakasulat na ‘Sorry kahapon, hindi ko naman kasi sinasadyang magalit e’ sinagot ko din ang sulat niya.

‘Ayos lang, alam kong may mali din ako kaya sorry din’

‘Wag kang mag-sorry wala ka naman talagang kasalanan, ako ang may kasalanan, sorry din nga pala kung hindi ko pa pwedeng sabihin sayo ang problema ko’

Okay lang, pero pag kailangan mo ng tulong tandaan mo nandito lang ako sa tabi mo’

‘Salamat’

‘Wala ‘yun’

Nagpaalam na si Ms. Liwayway pagkatapos ng klase. Wala akong naintindihan sa klase niya, kahit naman makinig ka wala ka pa ring mauunawaan dahil ikukwento na na naman niya ang kanyang walang katapusang karanasan bilang guro.

Lumabas na kami ng classroom, kasaby ko si Rose paglabas.

            “Sabay ka na sa akin, dala ko bisikleta ko, pumunta muna tayo sa puno ng Acacia,” yaya ko kay Rose.

HayskulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon