Chapter 1- The girl who lives across the street

905 22 5
                                    

((Published - Mar 22, 2013))

((Revised)) 

"Seth ! umuwi kana ! darating na ang mga Mondregal sa susunod na

linggo ! kailangang nandun ka !"- nangagalaiting saad ng daddy ko habang hawak ang kanyang sentido dahil mukang sumasakit na ang ulo nya sa pagmamatigas ko.

"ayoko dad." – sagot ko naman kasabay ng malalim na pagbuntong hininga

"uuwi ka ! sumakay kana sa kotse ! isusunod ko nlng ang mga gamit mo !"- sigaw ulit ni daddy nang makitang hindi parin ako natitinag sa desisyon ko.

"hindi ako uuwi . nagsasayang lng kayo ng oras dito ."- nababagot kong tugon at akmang tatalikod na sa kanya

"uuwi na tayo !!"- giit ulit ni daddy at pinaharap ako sa kanya

"gusto niyo lng akong umuwi dahil darating si Cherry hindi ba ? pwes hindi talaga ako uuwi" –inis kong sabi at tinanggal ang braso ko sa pagkakahawak niya

"huwag mo akong galitin seth !"- may diin na sabi ni daddy na mukang nauubos na ang pasensya sa pagmamatigas ko

"hindi ako uuwi. Please dad. intindihin mo naman ako kahit ngayon lang-- *natigil ako sa pagsasalita nang bigla akong sinuntok ni daddy*

"Uuwi ka at magpapakasal ka kay cherry sa ayaw at sa gusto mo !!"- sigaw ni daddy na ngayon ay galit na galit na

Napangiwi naman ako at pinunasan ang labi ko bago humarap ulit sa kanya at nagsalita. "sinabi ko na —*susuntukin sana ulit ako kaso may isang babae ang sumingit sa pagaaway namen *"

"hindi naman po  sa tsismosa ako, kaso ang lakas kase ng mga boses niyo eh ."- kalmadong sabi ng isang boses nang babae dahilan para mapatingin kami ni daddy sa dalagang umaakyat sa bintana ng bahay nya. napakunot naman ang noo ko habang iniisip kung ano bang gagawin nya at bakit sya umaakyat nang bigla syang tumalon siya sa bintana nila . di naman kataasan ang bintana nila, pero diba, babae siya ? di siya dapat kumilos ng ganun . O__O

"kilala mo ba ako ha ?!"- agad na nagsalubong ang kilay ni daddy habang matalim na nakatingin sa babae

"hindi po . eh hindi niyo ren naman ako kilala so quits lng tayo . ^__^"-nakangiting sabi ng babae bago biglang sumeryoso ung mukha niya at nagsalita muli. 

Ang weird ng moodswings neto.

"sa narinig ko  po kanina, hindi naman po yata tama na pilitin ang isang tao sa pagpapakasal . kase po sagrado ang kasal, ginagawa  lng yan ng dalawang tao na nagmamahalan at hindi dahil pinilit siya ng magulang niya . :)  huwag niyo po sana masamain ang pakekealam ko pero siguro po dapat na kayong umalis dahil masyado na kayong nakakagulo sa lugar namen . :) "-Yumuko sya nang konti bilang paggalang tapos tumingin ng deretcho kay daddy nang nakangiti ulit. 

Tindi ng moodswings neto. Hindi ko masabayan.

Tahimik lang kami ni daddy habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Sinulyapan ko si dad na mukang gulat na gulat sa inasal ng babae.

Mas lalo naman ako diba, ngayon lng may naglakas loob na sumagot sa daddy ko .

Di ko alam kung bakit o guni guni ko lng pero nakita kong medyo napangiti si dad .

"aalis na ako . pero sigurado akong babalik ako dito ." Agad na tumalikod si dad sa akin at sinulyapan ang babae bago tuluyang umalis.

"ah ... ok ka lng ba ?"- nagaalangang tanong sakin nung babae habang kumakamot sa ulo nya na para bang hindi nya alam yung sasabihin.

Tinitigan ko siyang mabuti . Yya ung babae na lagi kong tinitingnan sa bintana ng tapat ng bahay ko. Ngayon ko lang sya nakita ng malapitan.

Hindi ko alam na ganun pala siya katapang . para kasing ang vulnerable at maamo ang mukha niya .

Well, eto na yata yung sinasabi nilang looks can be deceiving .

"oo . salamat . ah .. ano .. g-gusto mo bang pumasok at m-magmeryenda sa loob ?"- Sabi ko na medyo nauutal at napakamot rin sa ulo dahil kahit ako hindi ko rin alam ang sasabihin ko matapos yung sagutan kanina.

"next time nlng . ^___^ Babay!"- sagot niya sakin ng nakangiti bago tumalikod at pumasok sa bahay nila, lumingon sya sakin at nagwave ng kamay bago isinara ang pinto ng bahay nya.

Tinitigan ko siyang umalis kahit nang makapasok na sya sa bahay nya ay nanatili akong nakatitig sa sarado nyang pinto.

Hay ewan. Binabaliw ako ng babaeng yon. Paano sya nakakapagpalit ng mood sa loob ng iilang segundo. Napailing nalang ako bago tuluyang pumasok rin sa sarili kong bahay.

Bintana (F.I.N.I.S.H.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon