Chapter 1

2 0 0
                                    

“THERESA! YUNG BABOY MO TUMAKBO SA KALSADA! BAKA MASAGASAAN!” Rinig kong sigaw ni nanay, inis naman akong bumangon sa pagkakahiga ko sa lapag saka lumabas ng bahay para tignan ang baboy na alaga ko.

Pag labas ko ng bahay ay agad kong nakita ang alaga ko na lumalakad sa gilid ng kalsada. Mabagal lang ang lakad niya pero ng mag lakad na ako palapit ay lumingon pa siya sa akin saka mabilis na tumakbo. Aba ibang klase! Gusto yata makipag laro ng habulan!

“BUBBA BUMALIK KA DITO KUNG AYAW MONG MALETCHON!” Sigaw ko. Hindi
naman ako nahihiyang sumigaw sa kalsada dahil maaga pa, alas singko palang kasi wala pa din masyadong dumaan sa kalsada at bukid naman ang paligid kaya ayos lang na mag sisisigaw ako dito.

“BUBBAAAAAA!” Sigaw ko ng muntikan ng mahagip ng jeep ang baboy ko. BIgla
nalang kasing tumawid sa kalsada ang alaga ko. Jusmiyo para akong aatakihin sa puso ng makitang mahagid ng jeep ang buntot niya buti at hindi natamaan sa katawan.

Agad akong tumawid ng kalsada at saka mabilis na dinakma ang baboy na nakaupo na sa may maisan. Pagod na siguro ito. Ang laki kasing baboy eh.

Habang buhat buhat ko naman ang baboy ko ay may napansin akong grupo ng mga kalalakihan na tumatawa tawa. Naagaw ng pansin ko ang lalake na nasa likod ng pick up, singkit at maputi siya, ang gwapo, na cute tumawa. Hindi ko namalayan ang sarili kong nakatitig na sakaniya ng bigla akong matauhan sa sigaw ng nanay ko.

‘THERESA ANO BANG GINAGAWA MO YAN! BUMALIK KANA DITO AT
MAMAMALENGKE PA TAYO!” Sigaw ni nanay dahilan para tumakbo na din ako
pabalik sa bahay buhat buhat ang baboy.

Pasimple pa kong sumilip sa lugar ng kotse kung saan ko na kita ang lalakeng gwapo na yon ng mapansin paalis na ang sasakyan nila. Dayo siguro sila dito.

“Maligo kana at mag palit aantayin kita sa dampang, nandon ang tricycle.” Sabi ni nanay na tinanguan ko lang. Mabilis naman akong kumilos at nag ayos dahilan para maaga din kaming makarating sa pamilihan, kailangan namin makakuha kasi ng isda
at panindang pang meryenda.

Habang namimili si nanay ng isda sa loob ng palengke ay nandito naman ako sa labas para mamili ng mga pang meryendang ibebenta ko sa school.

“Manang wala na po bang bawas? Isang daang piraso naman po ang kukunin ko.” Sabi ko sa tindera ng saging.

“Hay nako, oh siya sige na nga, tutal maganda ka naman, tatlong daan na lang yan.” Sabi ng tindera na kinatuwa ko.

“Isang daan po nyang saging tapos isang daan din po nyang kamote, tapos sampung pirasong makapuno po.” Sabi ko. Agad naman akong pumili na kaagad ng mga kukunin ko. May dala dala akong sako kaya hindi ako masyadong mahihirapan. Mas madali kasing buhatin kapag naka sako na.

“Gawin mo nalang bente piraso yang makapuno para saktong limang daan.” Sabi sakin ng tindera na sinang ayunan ko nalamang.

Matapos kong makapamili, binalot ko na ulit ng malong ang ulo ko hanggang
matakpan ang mukha ko, tanging ang mata ko na lamang ang makikita.
Maingat kong binuhat ang isang sakong saging hanggang mailagay ko yon sa loob ng tricycle, ganon din ang sunod kong ginawa sa sako ng kamote. Sa pangatlo kong balik naman ay doon na nag kaaberya. Habang buhat buhat ko kasi ang sako ng makapuno ay nasagi ako ng grupo ng mga kalalakihan, dahilan para mawalan ako ng balanse at mag silaglagan ang mga makapuno ko na nasa sako.

“Sorry miss!” Sabi ng isang lalake.

“Bakit ba kasi kayo nag lalaro dito sa palengke? Pamilihan ito hindi amusement park para mag laro at magtulakan kayo!” Inis kong sigaw sakanila, agad naman silang
napaiwas ng tingin saka biglang nag takbuhan. Napailing nalang ako saka isa isang pinulot sa kalsada ang mga gumulong na makapuno.

Pero nagulat ako ng may mag abot sa akin ng dalawang makapuno. Nakangiti siya saka dahan dahang inilapag sa loob ng sako ang hawak niya.

“Sorry about what happen. Hindi namin sinasadya. Sorry sa abala miss.” Sabi niya bago tuluyang lumakad paalis.

To Fall in Love AgainWhere stories live. Discover now