Ilang buwan ang lumipas ay lagi ko ng napapansin ang madalas na pag papatawag sa akin ni sir ven sa faculty, wala namang problema yon sa akin dahil kahit ngayong kolehiyo na ako ay nag titinda parin ako ng mga snacks. At si sir ven lagi ang bumibili ng mga hindi naubos kong paninda.
“Sir, limang daan nalang po ito.” Nakangiti kong wika, pero imbes na harapin niya ako ay nakatitig siya sa parteng dibdib ko.
Hindi ako naging komportable sa tingin niyang yon kaya naman nag paalam na akong uuwi. Pero bago pa ako makalabas ng pinto ay tinakpan na niya ang bibig ko saka ako tinutukan ng kutsilyo.
“S-sir, p-please wag po.” Pag mamakaawa ko habang takot akong nakatingin sakaniya.
‘Ssshhh, wag kang maingay. Baka may makarinig sa atin.” Sabi niya pa habang
nakatutok parin ang kutsilyo sa leeg ko at dahan dahan na niyang tinatanggap ang butones ng damit ko.
“Sir wag!” Napasigaw na ako ng bigla niya akong hawakan sa dibdib. Dahilan para bigla niya akong sikmuraan at suntukin sa mukgha. Damang dama ko ang sakit sa sikmura ko at ang dugong tumulo sa bibig ko. Kasunod non ay ang pag momolestya na niya sa akin.
Sa huli ay wala akong nagawa kundi umiyak habang paulit ulit na nag dadasal sa isipan. Matapos niya akong walang hiyain ay hinagisan niya ako ng dalawang libo bilang bayad daw sa nangyari. Wag ko daw tangkaing mag sumbong dahil sisiguraduhin niyang mapapatalsik ako sa school, masisira na daw ang pangarapkong makapag tapos ng kolehiyo oras na nag sumbong ako.
Pag uwi ko ng bahay ay tulala akong nag lalakad habang bitbit ang bag ko. Punit ang uniporme, magulo ang buhok at may pasa at sugat sa bibig at katawan.
“Jusmiyo! Anak anong nangyari sayo?” Histerikang sigaw ni nanay dahilan para mapadungaw din si kuya at maging si tatay ay lumapit.
‘Anong nangyari sayo?” Sigaw na tanong ni kuya habang naka hawak sa balikat ko.
“Kuya.” Naiiyak kong tawag sakaniya habang di alam ang sasabihin.Anong nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo.” Tanong niya ulit, ngunit hindi ako
makapag salita, natatakot ako.
“THERESA TAMAYA!” Sigaw niya sa akin dahilan para mapaluha na ako. Tinawag na niya ako sa buo kong pangalan indikasyon na galit na talaga siya.
“Sinong gumawa nito sayo?” Tanong niya ulit wala akong maisagot kundi ang pag iyak ko.
Wala silang makuhang sagot sa akin kaya naman napag pasyahan nalamang nilang dalhin ako sa hospital para ipatingin.
Mag mamadaling araw na din ng makuha ang resulta ng pag eexamine sakin ng doktor. Nakaupo lang ako sa hospital bed at tulala parin sa nangyari. Nakaupo naman sa harapan kong sofa ang magulang ko at si ate, habang si kuya ay nakatayo at nakasandal sa tabi ng pinto.
Nang pumasok ang doktor ay kinumpirma nga nila ang nangyaring pang gagahasa sakin. Nakita ko kung paano naiyak si nanay at ate sa nalaman nila.
“Sabihin mo sa akin kung sinong gumawa nito sayo?” Mahinanong tanong sa akin ni kuya, pero sa pangalawang pag kakataon ay napaluha ulit ako.
“SInong gumawa sayo?” Tanong ulit niya sakaa ako hinawakan sa kamay habang
nakatitig siya sakin, kita ko din ang pighati sa mga mata niya.
“S-sir ven.” Sagot ko saka tuluyan ng umiyak at ikinuwento ang nangyari. Narinig ko ang pag mumura ni tatay at ni kuya sa mga sinabi ko.
“Mag papatawag ako ng pulis,” Suhesyon ng doktor na sumuri sa akin.
“Papatayin niya ako!” Agap ko, natatakot ako sa maaaring mangyari. Mag sasalita pa sana ako ng bigla kong naramdaman ang pag yakap sa akin ni kuya.
“Hindi namin yon hahayaang mangyari, Hindi yon mangyayari. Andito si kuya para protektahan ka. Tandaan mo yan. Makukulong siya, at hndi ka niya ulit
mahahawakan o malalaputan.” Sabi niya habang umiiyak, sa unang pag kakataon, naramdaman ko ang pag mamahal sa akin ng kuya ko.
YOU ARE READING
To Fall in Love Again
Non-FictionTo Fall in Love Again is the story of two people who choose to fall into each other again after the tragic accident they've been to. It primarily talks about true love and great love but also about the harrowing incident that will make you realize t...