Chapter 3

1 0 0
                                    

Dumating nga ang araw ng graduation ko, masaya si nanay at tatay na umakyat ng stage para sabihan ako ng medalya.

Kita ko sa mga mata nila ang pagiging proud nila sa akin. Bunso ako kaya naman gusto kong bigyan sila ng bagay nakakapag pasaya sakanila at yun ay ang dimploma ko.

Pag dating namin sa bahay ay natanaw ko na nasa itaas ng bahay si ate maris,
nakangiti siyang nakadungaw sa bintana habang nakatitig sakin habang buhat buhat ang dalawang buwan kong pamangkin. Mabilis akong pumanhik sa itaas para batiin ang ate ko at ipakita sakaniya ang dimploma at medalya ko.

“Ang talino talaga ng bunso namin!” Sabi niya na nginitian ko.

“Mabuti at nakauwi ka ate? Akala ko ay hindi ka uuwi.” Sabi ko ng nakangiti.

“Pwede bang hindi ako pumunta sa celebration ng graduation ng bunso namin?” Natatawa niyang wika. Agad ko naman siyang niyakap.

“Anong kurso ang nais mo sa kolehiyo? Nakapag isip kana ba?” Tanong niya.

“Gusto kong mag medisina ate, yung mga nasa bilihan ng gamot po? Ano nga ulit
tawag doon?” Tanong ko.

“Pharmacist” Nakangiti niyang sagot.

“Opo, yan nga! Gusto ko yon. Meron po nyan sa school namin eh.” Sabi ko, nginitian naman niya ako at tumango.

“Gagalingan mo ha, lagi naman kaming kasasuporta sayo.” Sabi niya.

“THERE BUMABA KA NGA DITO! THERESA!” Sigaw ni kuya ronald dahilan para bumaba ako. Pag kalapit ko sakanila ay agad niya akong inakbayan.

“Ito, ito yung bunso naming kakagraduate lang ng high school! Gusto daw nyang mag kolehiyo pero imposible yon. Hahahaha! Alam naman naming lahat na magiging pokpok din siya tulad ng ate niya! Sa mukha nga niya pwede na to sa bar. Alam mo kapatid ko. Bitiwan mo na yang pangarap mo alam naman nating wala ka ding mararating sa buhay. Wag ka ng mangarap” Wika ni kuya habang tumawa, ganon din
ang mga barkada niyang tumatawa, muli ay di ko mapigilan ang umiyak sa sinabi nya.

Ngayon ang unang araw ko sa kolehiyo, maaga akong nagising at nag ayos para hindi ako mahuli sa klase.

Habang pinag mamasdan ang sarili ko sa salamin ay napangiti ako, Hindi man ako naka suot ng uniform pero suot ko naman na ang ID ng school namin na pang college. Nakakatuwa dahil sa wakas ay nasa unang hakbang na ako ng hagdan tungo sa pangarap ko.

“Ang ganda naman ng bunso namin.” Sabi ni nanay, ngumiti naman ako saka kinuha na ang bag ko.

Isang simpleng itim na maong at kulay asul na tshirt lang ang suot ko, Nakalugay din ang may kahabaang buhok ko.

“Ihahatid kita.” Sabi ni kuya ronald na kinagulat ko, Seryoso siya at hindi na umimik saka nag patuloy na pumunta sa dampang para kunin ang tricycle. Habang nasa tricycle ay panay ang tingin niya sa akin.

“Sigurado kabang yan isusuot mo sa school? Nakalitaw yang konting parte ng dibdib mo, may balak kana bang mag pokpok?” Sabi na sa tonong di gusto ang pananamit ko.

Hnd ako umimik at medyo itinaas na lamang ang suot kong damit.


Matapos lang din nga ang ilang linggo ay nakuha ko na ang uniform ko. Kulay puting blouse at kulay puting skirt na hanggang tuhod ang haba niya. Tuwang tuwa akong ipakita yon kila nanay at tatay ng isang araw na papasok ako gamit ang uniform na yon.

Habang suot ang magandang puting uniform ko ay itinirintas ko din ang may
kahabaang buhok ko, saka isiuot ang ID at ang itim kong sapatos.

Habang pinag mamasdan ang sarili sa salamin ay hindi ko magawang hindi mapangiti dahil sa ayos ko ngayon. Kolehiyalang kolehiyala na talaga akong tignan.

“Bagay sayo yang uniform mo.” Sabi ni kuya bago pinaandar ang tricycle paalis.

Napangiti nalang ako sa pag compliment sakin ni kuya. Pag pasok ko ng gate ay
nakita ko naman ang dati kong guro na nakatitig sakin, si sir ven, nginitian ko lang naman siya saka bumati ng goodmorning bago tuluyang lumakad paalis.

To Fall in Love AgainWhere stories live. Discover now