Nang makauwi ako sa bahay ay mabilis ko ng inumpisahang gumawa ng macapuno balls. Ako ang mag bibigak at nag luluto dahil abala din si ina sa pag lalabada sa mga kapit bahay namin.
Kinabukasan ay maaga akong nagising, alas tres palang ay inaayos ko na ang mga ibebenta kong macapuno, pastillias, at yema. Twing recess ay binebenta ko yon para naman may kita din ako.
Pag dating ko sa school ay agad naman akong sinalubong ng mga suki ko sa pag bili ng mga paninda ko.
“Anong binebenta mo ngayon there?” Tanong ni claudette, matalik kong kaibigan, simula elementary ay magkaibigan na kami hanggang sa ngayon na patapos na din kami sa highschool.
“Macapuno, pastillias, at yema, clau!” Sagot ko saka inilapag sa armchair ang bitbit kong malaking plastik na pula na may lamang mga container.
“Magkano naman isa?” Tanong niya.
“Sampu isa dito sa yema, tapos 12 pesos naman dito sa bawat balot ng pastillias at macapuno. Sampung piraso sa isang balot. Di kana lugi doon.” Sabi ko.Ngumiti naman siya saka nag simula ng kumuha ng tig lilima sa mga paninda ko.
“Kuha kapa ng isang yema para saktong 170.” Sabi ko na ginawa niya, inabutan
naman niya ako ng dalawang daan, agad ko naman syang sinuklian ng kwarenta,
madami na kasi sa mga kaklase namin ang bumibili ngayon kahit umaga palang.Mag sisimula palang ang klase ay paubos na ang mahigit dalawang daan kong panindang macapuno at pastillias, yema nalamang ang marami. Ibebenta ko nalang mamaya sa ibat ibang section.
“There, Magkano pa yang na tira?” Tanong ng isang guro namin na lalake, guro namin siya sa araling panlipunan.
“700 nalang po sir! Bili po ba kayo?” Tanong ko agad naman niyang kinuha na ang plastic saka inabutan ako ng isang libo. Sinabi pa niya na sa akin na ang sukli kaya naman sobrang saya ko. Ang saya ko dahil wala pang recess ay naubos agad ang paninda ko at kumita ako kaagad ng mahigit tatlong libo.Isang buwan nalang din ay gragraduate na ako sa high school, kailangan ko din mag pabili ng magandang uniform dahil isa ako sa may pinaka mataas na karangalan sa section namin.
“Nay, kailangan ko ng bagong uniform. Malapit na po ang graduation namin. May punit na po yung mga uniform ko kasi.” Sabi ko, napalingon naman sakin si nanay.
“Anak, wala tayong budget para sa bago mong uniform, yung mga kinikita mo, para sa kolehiyo mo yon diba? Akin na ang uniform mo, itatahi ko na lamang.” Sabi niya, wala akong magawa kundi tumango nalang saka iniabot sakaniya ang uniform ko.
“Apat na taon nalang naman na din, anak. Mag tiis kana muna. Mahirap lang tayo.” Sabi niya saka hinawi ang buhok kong nakaharang sa mukha ko.
Ngumiti nalang ako at tumango saka nag tungo na sa loob ng bahay. Kaagad kong
kinuha ang lalagyan ng ipon ko saka yon binilang.
“50 thousand and 800 hundred, hmmm sakto naman na siguro to pampatapos ng kolehiyo.” Sabi ko sa sarili ko, mabilis kong inayos ang ipon ko. Ang huling walong daan nalamang ang natitira sa lapag ng biglang pumanhik sa itaas si kuya ronald.
“Ano yan?” Tanong niya, halata na lasing siya dahil hindi maayos ang pananalita niya at pula ang mata niya.
“Wala po.” Sabi ko saka mabilis na inayos, pero bigla niyang kinuha yon sa kamay ko.
“May pera ka pala hindi mo sinasabi. Sakin na muna to, mag iinom pa kami ng mga barkada ko.” Sabi niya habang binibilang ang mga nakatuping papel na pera.
“Kuya, ibalik mo sa akin yan. Ipon ko po yan eh, kailangan ko po yan sa pag
kokolehiyo.” Sabi ko na halos maiyak na.Agad naman niya akong tinignan at saka tumawa ng malakas.
“Ikaw mag kokolehiyo? Wag ka ng umasa theresa! Bakit hindi ka nalang gumaya sa magaling mong ate na nag pabuntis ng maagad. Hindi ka makakapag tapos ng pagaaral dahil sa pamumuhay natin, kalimutan mo yang pangarap mo. Walang makakapag tapos sa atin dahil dukha tayo!” Bulyaw niya sa akin, dahilan para maiyak na ako sa sama ng loob.
YOU ARE READING
To Fall in Love Again
NonfiksiTo Fall in Love Again is the story of two people who choose to fall into each other again after the tragic accident they've been to. It primarily talks about true love and great love but also about the harrowing incident that will make you realize t...