Kinabukasan ay nabalitaan ko ang pag sugod ni kuya ronald sa bahay ni sir ven.
Kasama niya ang mgaa pulis ng mangyari yon. Pilit na itinatanggi ni sir ven ang nangyari kaya naman hinamon siya ni kuya na mag bigay ng sample ng sperm niya upang makita kung pareho sa nakuha sa akin, pero hindi niya pumayag dahilan para mas mapaniwala ang mga pulis siya talaga ang gumahasa sa akin.
Ang mga sumunod na mga araw, linggo, at buwan ay mas naging maalaga at maingat sila sa akin, lalo na si kuya, simula ang mangyaring insidente ay bigla siyang nag bago. Pinatigil na niya si nanay at tatay na mag trabaho at umalis ng bahay para lang mag babantay sa akin. Nag tatanim na siya ng mais at palay sa umaga hanggang
hapon at namamasada na siya ng tricycle sa gabi.
“Kuya, paano ang pag aaral ni there? Hindi habang buhay kailangan natin siyang ikulong dito sa bahay at bantayan.” Sabi ni ate, napatingin naman si kuya sa akin.
“Gusto mo bang pumunta sa cebu? Doon ka mag aaral.” Sabi niya, nagulat naman
sila nanay, tatay at ate sa sinabi ni kuya.
“Hindi ka ligtas dito sa atin hanggat hindi nakukulong ang gago mong teacher. Sa
cebu ka mag aaral, mag bibigay ako ng allowance mo. Pag aaralin kita, basta ipangako mo sa akin na makakatapos ka.” Seryoso niyang sabi, natuwa ako sa sinabi niya kaya naman napayakap ako sakaniya.
“Opo, pangako.” Sagot ko, inakbayan niya lang naman ako saka isinandal ang ulo
niya sa ulo ko.
“Bukas na bukas aalis tayo para tignan ang bago mong school.” Sabi niya ng nakangiti.
‘Kuya, mahal ang tuition sa cebu, baka hnd natin kayanin.” Sabi ni ate.
“May nakuha akong trabaho, kayang kaya ko siyang suportahan. Natanggap ako sa trabaho ko sa hotel.” Sabi niya na nakangiti.
“Salamat, kuya.” Sabi ko. Hinalikan niya lang naman ako sa noo, saka tinapik ako sa balikat.
“Kung ganun, mag wowork din ako. Mag cacall center ako, para makatulong sa
gastusin ni bunso” Sabi ni ate. Ang saya ko dahil may pamilya akong suportado ako.Matapos nga ang pag aasikaso nila kuya at ate sa bago kong lilipatang school ay sa wakas makakapasok na din ako.
Bagong uniporme ulit ang susuotin ko dito.
Pag pasok ko palang sa klase as a transfereee ay mainit na nila akong tinanggap, maraming mga babae ang nakikipag kaibigan sa akin, maging ang mga lalakeng kaklase namin ay nais makipag kaibigan sa akin.
Nakakatuwa dahil maganda ang pag tanggap nila sa akin, hindi nila ako sinungitan.
“May org. Kaba na gustong salihan, there?” Tanong ng isang kaklase ko.
“Hindi ko pa alam, hindi pa ako pamilyar sa mga org. Na meron dito.” Nahihiya kong sagot.
“Ano bang org mo sa dati mong school?” Tanong niya. Agad naman akong napaisip, kumakanta ako sa school at nakikisali sa theater.
“May school band kami saka sa theater guild.” Sagot ko, Agad naman siyang napangiti.
“Talaga kumakanta ka? Kung ganon sa org. Kana lang namin sumali, harmonica guild, sabay ka sa akin mamayang lunch, isasama kita sa clubroom namin.” Sabi niya na tinanguan ko nalang.
Sumama nga ako ako sa clubroom na sinasabi ni sandra. Agad naman akong
winelcome ng mga members ng club.
”Singing daw ang talent mo? Pwede ba namin marinig ang boses mo?” Tanong ng isang lalake, medyo malambot siya kaya tingin ko ay part sya ng lgbtq.
Huminga naman muna ako ng malalim bago nag umpisang kumanta. I choose the song Run by Leona Lewis para pang malakas.
Matapos kong kumanta ay narinig ko ang palakpakan ng lahat ng mga tao dito sa loob ng room. Napangiti naman ako dahil doon.
“Ang ganda ng boses mo. Sige pasok kana. Sa mezzo ka. Congratulations.” Sabi ni warren ang president ng harmonica guild.Agad naman akong niyakap ni sandra, natawa nalang ako dahil bagong kilala palang kami pero open na siya sa akin.
YOU ARE READING
To Fall in Love Again
Non-FictionTo Fall in Love Again is the story of two people who choose to fall into each other again after the tragic accident they've been to. It primarily talks about true love and great love but also about the harrowing incident that will make you realize t...