CHAPTER 1 : First meet

367 15 0
                                    

VICE POV

Alas tress na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog dahil sa kakaisip sa kaibigan ni Mike at RR sa Gym ng FEU. Magaling siya. Magaling siya... Sobrang galing.. Kung papaano niya dalin ang sarili niya sa loob ng court, ganon ganon din siya habang naglalaro sa loob ng Gym kanina. Sandali kaming nagka eye to eye contact pero naramdaman ko na umiwas siya na tumingin sa akin. Nung mga sandali na yun naramdaman ko na may iba pero hindi ko alam kung ano, hindi ko maexplain.

"Vice!! Matulog ka naaaaa. Maaga pa akong pasok bukas sa Showtime. Ipikit mo na ang moooo!!!" Sabi ko sa sarili ko.

Pero kahit anong pikit ng mga mata ko, pumapasok sa isip ko ang itsura ng lalake na player ng FEU. Hindi ko lang matandaan ang nakalagay sa Jersey # niya dahil, lage siyang paharap habang nag lalaro ng basketball. Pero natandaan ko na ang jersey no. ni ay "7" bakit ba ako nagkakaganto? Hindi ko maiwasan naisipin yung lalake na nakatitigan ko ng sandali. Ano bang nangyayari sa akin ngayon? Bakit ganto? Bakit? Siguro masyado lang akong nag iisip na baka may naramdaman din siya nung mga panahon na yun.

.......

"Ate, gising na po. 9am na po diba may trabaho ka? Nakahanda na yung almusal sa baba ate. Nandito na din sila Sir Archie iniintay ka kanina pa." narinig kong sabi ng kasama ko sa bahay.

Anoooo?? Alas nuebe na?? Nako malalatr ako! Matagal pa naman akong magbihis at maligo. Tuloy tuloy ako sa loob ng CR at nagsimula ng maligo.

"Bakit ba ang tagal mong magising meme? Kanina pa kami nandito! Siguro may kasama ka kagabi no? May booking ka ba? Hahaha" sabi ni Buern sa akin habang natatawa.

"Gago, hindi na ako nag bobooking. Galing akong FEU gym kahapon pinuntahan ko sila RR dun. Tapos may nakita ako boylet, naka no. 7 na jersey pero hindi ko nakita kung ano surname niya, samahan mo naman ako mamaya daan tayo dun. Nacucurious talaga ako sa pangalan niya eh, pero ayusan mo na ako tanghali na tayo. Late nanaman ako." Sabi ko kay Buern.

Natawa na lang siya at nagsimula na nila akong ayusan. Habang inaayusan ako tinawagan ko si RR..

Dialing..

"Hello oh bakit napatawag ka Vice?" Sabi ng ni Rr galing sa kabilang Linya.

"May practice ba kayo mamaya?" tanung ko kay RR.

"oo mga 3pm hangang 7pm. Pupunta ka ba? Tamang tama nandito si Coach Bert." Banggit ni RR sa akin.

"sige magkita tayo mamaya sabihin mo kay Mike yung ticket ko para sa game ninyo bukas ha? Finals na eh. Salamta! See you mamaya." Sabi ko kay RR.

Binaba na ni RR ang linya. Naghanda na din ako papaunta sa Studio ng Abs Cbn para sa Noontime Show. Habang nimamake up an ako ni Archie at inaayos ni Buern ang buhok ko. Bigla kong naisip na nakalimutan ko palang itanung kay RR kung ano ang pangalan ng no. 7 sa team nila.

"Huh mamaya ko na lang itatanung" bigla kong salita na dapat sa isip lang.

Biglang napatingin si Buern at Archie sa akin.

"Atih, ano sinasabi ko?" Tanung ni buern na halatang nagtataka.

Bigla akong natawa.

"Wala wala. May naisip lang ako mamaya ko sasabihin. Bilisan mo na dyan. Malalate na naman tayo. Makakagalitan nanaman ako ni Direk. "

Pagkatapos na mag ayos ay umalis na kamiunta ng studio..

---
guys! Sa totoo lang may nagrequest lang saken kaya ako nagsulat ng story ng Virence. Hahah maybe yung iba dito totoo pero iibahin ko ng konti. Hahahaha!! 😂😂

NOT MY FIRST, BUT MY LASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon