"Can I see your boobs?"
"Show me your boobs baby, fuck! you're so beautiful."
"Hi baby, do you want to see my dick?"
iilan lang sa mga salitang bumungad sa akin kapag tumatanggap ako ng calls. Gusto ko ng sumuko, wala pa akong isang oras mula ng nagsimula ako. Mabuti na lang talaga at night shift ang mga kasama ko dito sa kwarto.
Sukang suka na ako, sa tuwing tumanggap ako ng tawag ay puro iba't ibang ano ang nakikita ko, may kasing liit na lang ata ng okra, ang minsan naman ay malaki pero parang na deform dahil sa baliko, ay ewan bakit ganun ang ano nila. Hindi naman ganun ang akin. Minsan pa nga tinitigan ko pa kung ano iyon dahil sa liit parang mushroom lang na bagong tubo.
Babae nga pala ako ngayon, ang galing ni Diana dahil nagawa niyang maging babae ang itsura ko. May fake cleavage din ako, sinuotan niya ako ng wig na blonde at may contact lense din ako sa mata. May konting make up din, urong sulong pa ako kanina bago mag simula dahil mukha nga akong babae pero kinakabahan ako sa boses ko. Mas lalaki pa kasi ito sa mga kausap ko pero lahat ata ay alam ni Diana, may application daw na pwedeng pumili kung anong boses ang gusto mo kapag makipag usap ka sa video call kaya ito ako ngayon. Limang minuto lang kada calls pero yung iba ay nagbabayad talaga para lang titigan ako, minsan hindi nagsasalita nakatitig lang at magugulat na lang ako umuungol na. Mukha ba akong Vagina?
"Ang hirap kumita ng pera!!!" miserable na sabi ko at pabagsak na humiga sa higaan kong double deck.
Nagpahinga muna ako, ngayon ay alam ko na hindi pala madali ang ginagawa ni Diana. Kahit easy money ay ang hirap parin sikmurain. Hindi ko minsan lubos maisip lalo pa't babae siya.
Tiningnan ko ang wallpaper sa phone ko, ako iyon, si tatang at inang at ang dalawa kong kapatid. Kuha ito noong graduation ko, ito ata ang pinakaunang family picture namin.
Buong lakas akong bumangon, kailangan kong kumita ng pera hindi pwedeng hindi ako makapag padala ng pera sa kanila. Mula ng nag trabaho ako ay hindi pa ako pumalya sa pag padala buwan buwan kahit nawalan pa ako ng trabaho.
Bumalik ako sa dating app, pagbukas ko ay ang dami agad tumatawag. Hindi ako masyadong marunong mag English pero naiintindihan ko naman ang sinasabi nila kaya kahit English carabao ang sinasagot ko ay naiintindihan naman nila, siguro.
"Show me your boobs baby." heto na naman, mukha talaga silang boobs. Wala bang boobs sa kanila? gusto ko sana ipakita itong fake boobs ko eh, kaso sabi ni Diana bawal daw maghubad dito dahil e block ka ng app.
"No boobs." sagot ko naman.
"what?? don't you have boobs?" parang galit niyang tanong.. tapos nilabas na niya yung ano niyang kulay lupa na kasing liit lang ata ng daliri ng bata. Ang yabang yabang, kung ipakita ko kaya ano ko sa kanya baka mawalan to ng ganang mabuhay.
Hanggang matapos ang 5 minutes ay wala siyang bukambibig kundi show me your boobs, wala sigurong Dede mga babae sa kanila.
Tumanggap ulit ako ng panibagong call pero wala naman akong nakitang tao sa monitor, medyo kinabahan pa ako.
"Hello." ako na ang unang bumati, baka multo na itong kausap ko mahirap na.
Dalawang minuto na ang nakalipas, wala pa rin. Aktong e-exit ko na ang call ng bigla na lang may lalaking sumulpot sa screen napa atras pa ako at napa takip sa mata ko dahil sa gulat. Haup!
"Hi Aria." na patanga ako sa baritono na boses, mabilis akong tumingin sa tablet na sinandal ko lang sa dingding.
Aria, kasi iyon ang pangalan ko sa application.
BINABASA MO ANG
THE RUTHLESS ARCHITECT
RomancePERA ang importante kay Ariel o kilala sa tawag na Aria, ayon sa kanya sa mundong ito lahat ng solusyon ng problema ay pera. Ito ang dahilan kung bakit naisipan niyang pumasok sa isang dating app kung saan nagpanggap siya bilang isang babae kung saa...