“PUYAT KA NA NAMAN ARIA!”
naka pamewang na naman si Sandra habang sinermonan ako, kanina pa kasi ako hikab ng hikab habang nag lilinis.
Puyat ako sa panonood ng K-drama, grabe talaga inabot ako ng alas tres ng umaga matapos ko lang yung buong episodes.
“Do you want to see butterflies?" biro na tanong ko sa kanya at tumawa siya.
“Song kang!" sabay naming tili at nag apir.
“hoy kayong dalawa bilis bilisan nyo na at maraming guest ang nasa ibaba." saway sa amin ni ate tes.
"at aria paki ayos naman ng arrangement dun sa isang kwarto, mahina kasi ako pagdating sa ganito eh, dun kasi matutulog ang kapatid ni Sir Kim na galing sa Us.” pakiusap niya sa akin.
"sige po, ako na po ang bahala.”
ibinigay niya sa akin ang susi ng kwarto, sinenyasan ako ni Sandra na baba na siya kaya tumango lang ako.
Pagkatapos kong maglinis sa hallway ay pumunta na ako sa kwarto na sinasabi ni aling tes saktong nakasalubong ko ang isa sa mga grupo ng lalaking guest kahapon.
Ang lalaking matangkad na may dimple.
“Hi aria!” matamis siyang ngumiti sa akin.
“hello po, kumusta po ang stay nyo dito?" gumanti ako ng ngiti sa kanya.
"so far so good, ang ganda talaga place.” aniyang nakatitig sa mukha ko.
"mabuti naman po at nagustuhan niyo ang villa de Rosas.”
“can you stop saying "po” I guess magka age lang tayo." sabi niya.
“By the way I'm Arthur, art na lang. Baduy ng name ko noh?" tumatawa siyang nilalahad ang kamay niya sa akin at nakitawa narin ako.
Tatanggapin ko na sana ang palad niya ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
“Wala ka bang ginagawa?" masungit nitong tanong.
Mabilis pa sa orasan na umikot ako, nakabusangot na Tyler ang bumungad sa akin.
May lahi ba siyang multo? bigla bigla na lang sumusulpot, atsaka anong ginagawa niya dito sa taas e ang aga aga pa. Atsaka isa pa hindi siya lumalabas ng opisina niya ng ganito ka aga.
“meron po sir, nakasalubong ko lang po si sir Arthur." magalang na sagot ko.
“hindi mo trabaho ang mag entertain ng guests." strikto niyang sabi..
“no, ako ang unang bumati sa kanya at unang nag app–” singit ni Arthur pero hindi niya ito hinayaang matapos sa sasabihin nito.
“I'm not talking to you.” matalas ang titig niya sa guest
Wala talagang siyang takot, kahit mawalan siguro ng guest ang villa ay wala siyang pakialam.
Katahimikan;
para kaming nasa loob ng kweba dahil sa sobrang tahimik, palipat lipat ang tingin ko sa dalawang nagtitigan. Si Tyler parang gusto ng manuntok, kawawa pag nagkataon si Arthur kahit magkasing tangkad sila ay maliit ang katawan niya kumpara kay sir Tyler. Ang laki ng katawan ni sir Tyler kapag nasa kandungan nga niya ako para lang akong batang mosmos eh.
Hindi rin nakatiis ay umiwas ng tingin si Arthur, nagbuntong hininga itong tila pinipigilan ang ngiti at tumingin sa akin.
“see you around aria." ngumiti na sabi niya bago kami tinalikuran.
Kita ko ang pag galaw ng panga ni Tyler, ano bang problema ng isang ito, imposible namang nag seselos siya.
“ayusin mo ang trabaho mo." galit na galit siyang humarap sa akin bago ako tinalikuran.
BINABASA MO ANG
THE RUTHLESS ARCHITECT
RomancePERA ang importante kay Ariel o kilala sa tawag na Aria, ayon sa kanya sa mundong ito lahat ng solusyon ng problema ay pera. Ito ang dahilan kung bakit naisipan niyang pumasok sa isang dating app kung saan nagpanggap siya bilang isang babae kung saa...