“ANO GUSTO MO BA MAG APPLY? SIGE NA MAG APPLY KA NA!”
pangungulit sa akin ni Diana, tumawag siya sa akin habang nasa trabaho ako kanina kaya nag message ako sa kanya na sa ganitong oras niya ako tawagan.
Tatlong araw na ako dito sa Villa at ang masasabi ko lang ay nasa level 1 na ang kasamaan ng boss ko, at ito nga mukhang gusto ko rin mag apply sa sinasabi sa akin ni Diana. Tumawag kasi ito para ipaalam sa akin na pupunta siya ng Japan, may nakilala daw siyang hapon na nag mamay ari ng sikat na bar doon at kailangan ng waiter kahit hindi tapos ay ayos lang.
“wala ka ng gagastusin, ako na ang bahala aria! basta sabihin mo sa akin kapag nakapag desisyon ka na.” aniya..
"sige, pag isipan ko. ipaalam ko agad sayo kapag mag a-aply ako.” sabi ko sa kanya, hindi rin nagtagal ay nagpaalam na siya at pinatay ang tawag.
Nag check ako ng notification dahil kanina pa ito tunog ng tunog habang kausap si Diana at..
Taran!!
lahat ay message mula kay Tyler, ano na naman kaya ang kailangan ng lalaking ito? grabe, anong oras na ba? alas syete na, oras na para sa pahinga namin pero ito siya ngayon pinapapunta na naman niya ako sa kwarto niya.
Prosti, babaeng mababa ang lipad, ganito siguro ang tingin niya sa akin na kahit anong oras ay pwede ako, available. Ginagamit niya ang katawan ko kapalit ng sampung libo.
Gamit na gamit sa paglilinis, pag arrange ng mga libro niya, pag aayos ng mga damit niya, at minsan pa nga taga abot ng towel niya habang naliligo. Akala niyo naman kung ano, hinding hindi niya matitikman ang isang aria. Bibigyan muna niya ako ng isang billion bago ako maghubad sa harap niya.
Pero sa tuwing naabutan ko siyang walang saplot sa loob ng banyo ay minsan gusto ko na rin sumuko, saka na lang ako magsisi sa huli atsaka baka hindi pa nga ako magsisi eh, baka mag thank you pa ako kasi natikman ko siya.
“hays, sira ulo ka talaga aria!" tinampal ko ang aking sarili habang naglalakad patungo sa kwarto ni sir.
Wala naman akong magawa noh? trabaho ko ito kaya dapat lang na gampanan ko at hindi mag reklamo.
Pagdating ko sa harap ng pinto niya ay humarap agad ako sa door cam tapos nag pout, nag lungkot lungkotan ako para bumukas. Manang mama sa may ari itong camera na ‘to, gusto niya lahat ng taong nakapaligid sa kanya malungkot.
ilang minuto pa muna ito bago bumukas, hays ang sarap na lang sirain talaga.
Pagdating ko sa loob ay inabutan ko siyang nakaupo sa sofa, nakaharap ito sa alak na nasa ibabaw ng centre table. Umiinom na naman siya, bakit ba ganito ang mayaman uminom kapag malungkot? bakit hindi na lang siya mag shopping? pumunta sa ibang bansa? sisirain pa ata nito ang atay. Ayos lang din naman marami naman siyang pera.
“B-bakit po sir?" agad na tanong ko..
Tumitig na naman siya sa akin sa pamamagitan ng mala laser niyang mga mata, nasasanay na rin ako kahit tatlong araw pa lang ako dito.
"come here!” ma autoridad niyang utos sa akin.
Sinunod ko naman siya agad, mabilis akong lumapit at tumayo sa harapan niya. Para siyang haring nakaupo sa sofa, nakapatong ang magkabilang braso nito sa sandalan ng sofa habang naka krus ang binti at nakatitig sa akin. Mukhang marami rami na ang nainom niya dahil mapungay na ang mga mata nito.
“Give me your phone.” aniyang naka abang na ang mga palad nito para dun ko ilagay ang gamit kong cellphone.
Bakit naman pinag interesan nito ang cellphone ko? lumang luma na kaya to atsaka wala namang bold dito, binubura ko kasi pagkatapos ko manood.
BINABASA MO ANG
THE RUTHLESS ARCHITECT
RomancePERA ang importante kay Ariel o kilala sa tawag na Aria, ayon sa kanya sa mundong ito lahat ng solusyon ng problema ay pera. Ito ang dahilan kung bakit naisipan niyang pumasok sa isang dating app kung saan nagpanggap siya bilang isang babae kung saa...