“AYOS NA AYOS LANG PO AKO DITO INANG, AYOS NA AYOS.”
sinadya kong siglahan ang boses ko habang kausap si inang, pinaparinig ko pa nga sa kanila ang kunwaring pag tawa ko.
“mukha nga kuya, miss na miss ka na namin ng mga kapatid mo. Kailan ka ba uuwi? ilang baboy na ang nabinta ko kasi hindi ka naman umuwi. Hinahanda ko kasi ang mga iyon para may litson ka pag uwi mo e kaso malaki na sila eh kaya binenta ko nalang.” malungkot ang boses niyang kwento.
“siguro inang kapag gumaraduate na sa senior high school ang mga kapatid ko” sagot ko.
“aba kuya dapat lang! dapat nandun ka sa graduation ko, magtatampo talaga ako sayo.” singit ng kapatid kong babae sa kabilang linya.
Sabay silang ga-graduate ng isa kong kapatid na lalaki dahil tumigil ang isa sa kanila.
“kuya, wag kang masyadong magpagod dyan hah? baka naman rumaraket ka pa, ayos lang kami dito malaki naman ang kita ko sa tindahan natatawid na namin ang allowance ng mga kapatid mo kaya hindi mo na kailangan magpadala ng malaki.” malambing na sabi ni inang sa akin.
Pinunasan ko ang luha ko, mahina talaga ako pagdating sa pamilya lahat gagawin ko para sa kanila. Ayaw ko na kasing maranasan nila noong bata pa ako, halos mag aagawan kami sa ulam. Minsan ay palagi pa akong inuuna ng mga magulang ko kaysa sa mga kapatid ko.
“tatawag ho ako ulit mamaya, may gagawin na po kasi ako.” paalam ko sa kanya, nagpaalam na rin sila sa akin kaya pinatay ko na ang tawag.
Ang totoo katatapos ko lang mag linis ng mga silid, nagpalit ng mga bedsheets dahil kaalis lang ng customer at may papalit na panibago. Hindi ko na kasi kaya silang kausapin, sobrang miss na miss ko na sila.
inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas sa huling silid na pinalitan ko ng mga gamit, kailangan ko pang maglinis ng salamin sa hallway at ang mga nakasabit na paintings at picture doon.
Hindi ko nakita si sir Tyler ngayong araw, kagabi ay panay ang message niya na puntahan ko siya sa kwarto niya. Hindi talaga ako pumunta, nag iinom na naman siya panigurado at siguradong hahalikan na naman niya ako.
kulang na lang talaga sisingilin ko siya sa mga paghalik niya sa akin eh, aba namimihasa na siya. Atsaka, grounded siya. Hindi man lang siya nag sorry, ilang beses na akong naglinis sa kwarto niya at pabalik balik sa office niya pero hindi ko siya kinakausap. Hindi rin niya ako kinakausap, mas okay iyon. Hindi niya ako napapagalitan at nasisigawan.
Sinong tinakot niya? kapag sesantihin niya ako isusumbong ko siya sa nanay niya na hinahalikan niya ako kapag nalalasing siya.
Habang naglalakad ako patungo sa salaming pader ay bigla na namang tumunog ang notification ng cellphone ko kaya mabilis ko itong tiningnan.
Where are you?
speaking of the devil, ito na naman siya. May kailangan na naman siguro ito. May ipapakuha, may ipapalinis, o nanunuyo na siguro ang labi.
Pwede ko naman kalimutan na grounded siya sa pag kiss sa akin basta bayaran niya ako, kailangan ko ng pera ngayon.
Hindi ko siya sinagot, tumawag siya kung gusto niya. Alam ko hanggang langit ang pride ng isang yun kaya siguradong hindi niya ako kakausapin, nagkasya na lang siya sa iMessage.
Tumapat ako sa litrato ni Senorito Carlos, umismid ako sa imahe niyang nakangiti.
“buti pa kayo noh marunong ngumiti, eh kumusta naman po yung anak nyo? hindi man lang marunong ngumiti.”
BINABASA MO ANG
THE RUTHLESS ARCHITECT
RomancePERA ang importante kay Ariel o kilala sa tawag na Aria, ayon sa kanya sa mundong ito lahat ng solusyon ng problema ay pera. Ito ang dahilan kung bakit naisipan niyang pumasok sa isang dating app kung saan nagpanggap siya bilang isang babae kung saa...