Chapter 27

4 1 0
                                    

ISABELLA




Natigil lamang ang malalim kong pag-iisip nang bumukas ang pinto.

"Isabella." nanlaki ang mata ko nang makita si Dawn.

At hindi ako makapaniwala sa kanyang ginawa. Hawak niya ngayon ang isa sa mga babaeng katulong ng lady in red habang tinututukan ito ng punyal sa leeg

Di tulad ko ay nakasuot si Dawn ng parehong damit ng babae. Isang hanggang tuhod na longsleeve na damit na may apron.

I guess hindi nagawa ng babaeng itong pagsuotin si Dawn ng damit na katulad nitong suot ko.

I wish I'm as brave as her...

It looks like she threatened the lady so bad. Puno nang takot ang mukha nito sa kamay ni dawn.

" Paano mo nagawang..."

"Mamaya ka na magtanong, suotin mo ang damit na to."she cut me and gave me pieces of clothes.

Kapareho ng suot niya.

Isang long-sleeved white dress, red apron at red see through cloth to cover half of my face, yung mata lang ang nakikita.

Mabilis ko naman itong tinanggap at isinout nang hindi na inaalis ang una
kong suot.

Nang matapos ako ay sinenyasan ako ni Dawn na lumabas, pero bago yun ay may ibinigay siya sa aking medalyon.

Kasing laki ito ng aking palad at may
mga simbolong hindi ko maintindihan ang nakaukit.

Pagkalabas ko ay pumasok si Dawn, hila-hila ang babae patungo sa pinanggalingan kong silid.

"Anong ginawa mo sa babae?" Tanong ko Kay Dawn nang makalabas siya ng mag isa.

"Pinatulog I think?"

"Paano?" kuryuso kong tanong

"Don't worry, she's not dead." I sighed in relief.

"Halika na, kailangan pa nating hanapin ang Daan palabas." hinawakan ako ni Dawn sa pulso at hinila nang nay maalala ako.

"Dawn.sandali." pigil ko sakanya

"Isabela, mauubusan tayo ng oras."

"Hindi Dawn, may kailangan tayong puntahan." hinila ko siya pabalik at tinahak ang kabilang direksyon ng pasilyo.

Gagawin ko ang sinabi sakin ng babae sa panaginip. Kukunin ko ang setro.

"Saan tayo pupunta?" Takang ani ni Dawn

"May kailangan tayong makuha."

"Ano?"

"Ang setro. Nandito ang setro ni Zilah. Kailangan natin iyon hindi ba?"

Natahimik siya at hindi makapaniwalang tumingin sakin.

"Alam mo kung nasaan ito?"

"Oo Dawn..Kaya tayo na at puntahan ang dulo ng pasilyong ito bago pa dumating ang mga babae."

Napakalaki at napakahaba ng pasilyong dinaanan namin bago namin narating ang dulo. Kaya lang hindi gaya ng sa panaginip ay iba ang bumungad sa amin sa dulo.

It's dead end. Its just plain white worn out wall with a single portrait.

"Sigurado ka bang dito iyon?" may pag aalanganing tanong niya sa akin.

Kahit ako rin ay nagtataka kung bakit tanging kisame lamang ang aming nakikita na may nag iisang larawan ni SOLIDAD.

She's wearing the usual red get up except for her necklace.

CHOSENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon