Chapter 39

5 1 0
                                    

Gustav


"Nothing, no sign of life." Kumpirma ni Dawn

Ang tinutukoy niya ay ang halimaw na ala gagambang nakalaban namin ngayon lang.

Paano nangyari yun?

Bigla nalang kasi itong bumagsak sa lapag bago paman matamaan ni Dawn sa kanyang grand slam. Sariling term ko yan huwag kayong maingay.

"Ano yun? Siga sa simula tapos biglang naduwag sa huli? Wala pala yan eh."    Medyo mayabang kong sabi. Napataghuy na lamang si Jethro habang tumaas ang isang kilay ni Dawn.

Damn... ganda parin.

"Mabuti pa umalis na tayo  kaysa nagsasayang ng oras natin rito." Masungit nitong sabi at binitawan ang hawak na piraso ng galamay nung halimaw na mukha na ngayong panggatong na nakakalat sa gitna ng hallway.

"Oy, hintay naman dyan miss President!" Habol ko sa kanya. Tahimik namang sumunod si Jethro samin.

Napahinto nga lang ako nang di inaasahan at tumama pa lips ko sa ulo ni Dawn. Sayang...bakit sa likuran pa? Di nalang sa harap.

"Isabella." Usal ni Dawn

"Nandito lang pala kayo! Sumama kayo sakin, may plano sina Dale, Celine at Ace."

Nagkatinginan kaming tatlo.

"Anong plano? Bakit di kami agad na inform?" Kunot noong saad ko.

Pambihira yung dalawang pangit, di man lang ako sinali sa ginawang plano.

"Malalaman niyo dun. Hawak sakin magteteleport tayo."

Mabilis na tumalima si Dawn at humawak sa balikat ni Isabella. Sumunod naman agad si Jethro at humawak sa kabila, kaya wala na akong magawa kahit nakakatampo ay walang gana akong humawak sa kanyang ulo para maasar siya.

Hindi pwedeng ako lang yung naaasar!

***

ISABELLA

"Nararamdaman ko ang Lilim sa buong bahay. Kaya mahirap matukoy ang eksaktong  lokasyon nito." Celine

"Hindi ba pwedeng sunugin  ang buong lugar?" Suhestyon ni Gust

"Hindi pwede. Mahirap gawin yun nang di tayo sigurado. At isa pa, hindi parin tuluyang nakalaya ang Reyna Solidad mula sa bahay. She's still chained here." Paliwanag ni Dale

"Paano niyo nalaman?" Gust

"Nasa palapulsuhan ko parin ang itim na kadena. Kaya hindi ako makaalis rito. Sa tuwing gagawin ko yun ay hinihila ako nito pabalik. Kung pipilitin ay nalalapnos ang aking balat."

"Pero wala akong nakikita.." sagot ni Gust

Sinisipat nito ang magkabilang pulso ng reyna.

"Gamitin mo ito."

May iniabot si Celine na isang bakal. Parang magnifying glass na walang glass. Pawang bakal lamang. Tinuruan niya si Gust kung paano gamitin. Ilalagay lang ang mata sa tapat ng bilog.

Kaya nang gunawa ito ni Gust ay halata ang pagkamangha sa kanyang mukha.

" Meron nga! Invinsible pala yan?" Di makapaniwalang usal nito.

Patuloy sila sa kanilang plano habang ako'y nakaupo lang sa gilid at nakikinig dahil wala naman ako masyadong maiaambag

We are now complete with the special participation of Jethro, lolo Hanaseh, and reyna Solidad.

Lahat ay dedicated sa O Plan Wakasan si Minhara at hashtag sunugin ang puno ng Lilim.

The question now is how to lure it out in the real world when it's now active in the world of dreams.

CHOSENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon