Chapter 40

3 1 0
                                    

ISABELLA


Gaano ba ka makapangyarihan ang pag ibig?

Na kayang suwayin ng isang Hari ang kanyang sariling batas?

Gaano ba ito ka mapanganib?

Na nagawang maging magkaaway ang dalawang magkaibigan?

Hanggang saan tayo nito kayang dalhin?

Bakit maraming nagbubuwis?

Bakit maraming nasasaktan?

Bakit kailangang may kapalit ang natatamasang kasiyahan?

Katulad ng karanasan ni Reyna SOLIDAD. Nasubok ang katatagan niya dahil lang sa nagmahal siya sa isang Haring hinangad ng lahat pero siya ang pinili.

Dahil sa pagmamahal, nawalan siya ng kaibigan, ng asawa at ng anak.

She sacrificed so much for love, for happiness that it became so lonely, being trapped in one place without memories of the one's you love is very lonely. It happened because she chose to be happy.

Kung ako ang tatanungin ay napaka babaw ng naging dahilan para magdusa siya ng ilang taon. Hindi niya kasalanan kung pinagsamantalahan siya kaya hindi na siya dalisay katulad ng ibang dalagang katunggali niya sa puso ng hari.

Ngunit hindi rin masisisi kung sa panahong iyon ay purity ang basehan sa karapat-dapat na maging reyna. Because being pure is considered sacred.

But can someone really blame the king for his decisions? Is it wrong for him to choose love over his duty?

Our heart is deceitful. We can be wrong when we always follow it. That's why sometimes It's  good to also use our mind when we decide, especially if it's about who we choose to be with.

"Ikaw ang isinumpa." Malungkot na sabi  ko.

Hindi matukoy kung saan nanggaling ang emosyong nararamdaman.

"Anong.. anong ibig mong sabihin?" Litong sagot ng reyna.

Hindi ko rin alam ang sinasabi ko, at wala akong nagawa nang patuloy parin akong nagsasalita sa harap nila.

" Pinoprotektahan mo lang ang sarili mo."

Ano? Lahat ay naguluhan sa sinabi ko. Pero hindi ko pinansin ang pagkalito ng lahat at lumapit sa reyna.

Hinawakan at inangat ko ang kamay ng reyna na may puting kadena.  Nakikita ko na ito gamit ang sariling mata na dapat ay hindi.

"Tama lang na ipinain  ang iyong sarili kay Minhara. Kusa kang pumunta rito, lumapit sa mangkukulam kaya nakulong sa bahay na ito." Napanganga sila sa kanyang tinuran.

Napanganga ako sa aking isip.

Paanong...

"Ano ang iyong sinasabi?" Gulong gulo ang reyna. Maging ang lahat.

Hindi ako sumagot.

"Ito ang paraan mo upang protektahan kayong pareho. Hindi mo kailanman hinangad ang trono. Hindi ninais na umibig ka sa kung sino dahil magiging kahinaan mo ito. Kung mahina ka ay malakas siya, kung malakas ka ay mahina siya. Kaya inilayo mo ang sarili kay Leon at nagpabihag kay Minhara."

"Hindi ako... bakit...Solina! bakit mo ginawa yun?!"  Sinabunutan ni reyna Solidad ang sarili.

Solina??

"Bakit hindi? Gumawa ka rin naman ng paraan upang makalaya. Tinulungan ka ng isang kaibigan. Mula sa pagkakakulong ikaw ay mabibigyan ng kalayaan pagdating ng itinakdang panahon."

CHOSENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon