Chapter 41

2 1 0
                                    

ISABELLA




"Ano na ang mangyayari sa mamamayan ng Virgo?" Tanong ko sabay subo sa hawak kong ulam.

We were all having lunch together.

There's roasted turkey with mashed potatoes, lobsters, shrimp, inihaw na giant pusit, plain vegetable salad-yung hindi uso ang dressing and different kinds of fresh fruits.

All in all, masarap! Napaparami ako ng kain kahit walang kanin.

"They'll evacuate the island." Si Ace ang sumagot. Abalang magtalop ng mansanas.

After what he had said and done to me last night, he's acting more attentive of me this morning. Nakakahiya bigla sa mga kasama kaya simula kanina ay hindi ko siya matingnan ng matagal.

"Paano? Hindi ba nasira ang daungan?" Ani ko nang malunok ang kinakain.

"Pero hindi ibig sabihin nun ay wala nang barkong makakapasok. Nawala ang harang sa isla matapos matalo si Minhara. Hindi na rin nagpakita pa ang Octavio kaya pupwede nang makaalis ng Virgo ang mga mamamayan." Paliwanag ni Gust. Naghihimay ng shrimp.

"Nagpadala  ako ng mensaherong ibon kay haring Marcus. Kaya sigurado akong kahapon pa nakarating na ang barkong sasakyan ng mga mamamayan paalis ng Virgo." Dagdag Dale. Umiinom ng tubig sa hawak na iron goblet.

Kaya pala may pine pet siyang maliit at puting ibon noong umagang paalis na kami ng Virgo. Messenger bird pala yun!

"Do they really need to leave?"

"Yes. Leaving their town was the safest. Pinapatay na ng sumpa ang lupa ng Virgo. We should not wait for the time that the island can no longer be resourceful for the townspeople to survive." Ace pointed out then put thin slices of apple on my empty plate.

Point taken. Survival is more important than adjusting to a different place.

Grabe...Busog na busog ako!

"Ayon sa sagot ng hari ay bukas naman ang bayan ng Orion at Centaurus para tanggapin ang mga lilikas." Ani Dale

"Maging ang mga bandido ba ay sumama sa paglikas?" Kuryusong tanong ni Celine. Tapos na itong kumain kanina pa. Ang liit ng kinain niya.

Ako kasi, hindi naman ganun karami pero mas marami na kumpara sa normal kong kain kaya nasabi kong napaparami. Ay basta!
Yun nga.

"Hindi. Lingid sa kaalaman ng lahat ang katauhan ng mga lobo. Kaya mananatili lamang ang nga bandido sa bayan ng Virgo binibini." Si Jethro na sumagot.

Bakit siya narito? Hindi ko alam. He just volunteered to come. Hindi lang siya nag-iisa dahil may kasama rin siyang isang babaeng lobo.

And I don't feel comfortable about this Reagan. Masyadong maarte at maldita.

"Hindi ba delikado ang manatili sa Virgo?" Tanong ko

"Mas malakas kami sa inaakala niyo. At ito rin ang nais ni pinunong Hanaseh,ang manatili. Kaya kung nasaan siya ay nandoon din ang aking mga kasama."

"Nanatili rin sa Virgo si Reyna Solidad hindi ba?" Ani Dawn. Tahimik na tumango ang apat na lalake. The atmosphere changing.

Knowing how close she is with lolo Hanaseh, hindi na nakakapagtakang mananatili siya kasama ang matanda.

Loosing Solina was losing half of her ability. It means she now only has half of her power. It was tragic.

It got me thinking, too.

Does it mean someone needs to lose something para ma retrieve namin ang limang diwa?

"Hahatiran ko muna ng pagkain ang aking kasama." Sabay tayo ni Jethro bitbit ang isang platong may pagkain. Umalis ito para magtungo sa lower deck.

CHOSENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon