Xiarra's POV
kinaumagahan nagising ako dahil sa tumatamang sikat ng araw sa aking mukha, unti unti akong nag mulat ng mata at tumingin sa orasan, alas-8 na ng umaga, wala na si Kyro sa aking tabi kaya naman bumangon na ako at nag tungo sa banyo upang maligo.
Sabado ngayon at walang pasok, pag tapos 'kong maligo ay agad akong nag ayos at nag bihis ng simpleng damit lamang, bumaba ako at umaasang nasa kusina si Kyro at nag hahanda ng pagkain namin, ngunit pag ka baba ko ay pagkain lamang at isang sulat sa maliit na note pad ang naabutan ko sa lamesa "Eat your breakfast before going outside today' nasa trabaho na pala sya.
Umupo ako at kumain, naubos ko ang pag kaing inihanda sa akin ni Kyro, pag katapos kong kumain ay niligpitan ko na ang mga ito. "ano kayang gagawin ko ngayong araw??" tanong ko sa aking isipan. Nag pasya akong mag bihis at dadalaw sa aking kaibigang si Anne ilang buwan na din kaming hindi nag kikita.
Pag dating ko sa tapat ng bar nag dalawang isip ako kung tutuloy ba'ko, pero swerte ko lang na lumabas si Anne, napansin nyako at kaagad na lumapit sa'kin " OEMJI sis ikaw na bayan??????" agad na tanong nya saakin, niyakap ko naman sya kaagad pabalik "oo teh, kamusta ka naman dito, madami ka na bang constumer???" pabirong tanong ko.
hinila nyako at inayang pumasok sa loob, wala naman daw kase si mama terry dahil inaasikaso daw ang may sakit nitong boyfriend, Pag pasok namin sa loob ay may sumunod na dalawang tao, isang babae at lalaki, dumaan ang lalaki sa tapat ko at napatigil ako, naamoy ko ang pamilyar na amoy ng pabango ng lalaki, ngunit iwinaksi ang aking naiisip. "nasa trabaho si Kyro ngayon imposibleng pumunta yun dito" pangungumbinsi ko sa aking sarili.
Sinundan ko ng tingin ang lalaking nakatalikod sa akin, umupo sila sa may bandang dulo at medyo madaming tao kaya hindi ko makita ang muka nya, nakita kong hinalikan sya ng babaeng kasama nya, papalit na sa kanila ang waiter upang mag tanong ng kanilang order, agad naman akong kinulbit ni Anne para makapag kwentuhan na kami.
"sis kamusta ka naman sa bahay ng jowa mo?? swerte ka ba sa kanya??" tanong nito sa akin.
"anong swerte ako, sya kaya ang swerte sa'kin, ang galing galing ko kaya sa kama, bata palang tayo nag tatrabaho na tayo dito, kaya swerte nya sakin, " pabirong sagot ko.
"ayy talaga lang sis ahh, may nangyare na ba sa inyoo??"
"naku sis Kung hindi mo naitatanong waang gabing pinapalagpas yung lalaking yun, yun ngalang talaga wala pa syang sinasabi sa'kin kung anong label namin kaya yun diko masabing sakin sya" medyo tumamlay ang boses ko.
naisipi ko lang na ilang bwan na kaming mag kasama ngunit wala manlang akong ideya kung ano ba talaga ang meron samin, ni hindi ko nga alam kung parehas ba kami ng nararamdaman sa isa't-isa o ako lamang ang nag iisip ng sobra.
nag paalam ako kay Anne na mag pupunta muna sa banyo, tumango lamang ito. Lumabas ako ng kwarto at nag tungo sa lady's room, ilang bwan man akong nawala, walang pinagbago ang bar na ito, kabisadong kabisado ko parin ang lugar na ito, malinaw parin ang mga memorya ko sa impyernong ito.
sa lalim ng pag iisip, nabangga ko ang babaeng sa tingin ko ay papunta din sa banyo. "ano ba, bat ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo??" galit na sigaw ng babae.
tumayo naman ako dahil natumba ako sa lakas ng pag kakabangga nya sa'kin. " sorry miss diko sinasadya" pag hingi ko ng paumanhin dito, tinulak ako ng babae at tumama ako sa isang waiter, tinulak ko din sya pabalik dahil hindi ko nagugustuhan ang inaasal nya saakin.
YOU ARE READING
THE SWEET TASTE OF MY REVENGE
RandomSi Xiarra Alexie Imperial ay isang dating dancer/singer sa isang bar. Bata palang ay ulila sya dahil namatay ang nanay at tatay nya sa isang aksidente sa bus, simula nung namatay sila dun nasya nag simulang maging isang palaboy at di nag tagal kinup...