June 8, 2015
"Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo kung bakit nangyari 'to sa kuya ko! Hindi kita mapapatawad!! Umalis ka na! Umalis ka na sabi e!!"
Dala ng matinding emosyon na bumabalot sa paligid. Hindi na napigilan ni Jyrah ang mapaluha. Iyon na yata ang pinaka masakit na bagay na maririnig niya.
"Hey! Jy! Bakit ka umiiyak?" tanong sa kanya ng kaibigan niyang si Jack.
Umiling lang siya at saka yumakap dito. Hinagod naman ni Jack ang likuran niya. Pilit na inaalo ang dalaga.
"Tahan na Jy." sabi nito.
Kumalas sa pagkakayakap si Jyrah. Tumingin ng mataman sa binata saka nagsalita kahit pa pahikbi-hikbi pa ito.
"Shutanginames naman kasi Ja--Muntanga naman-- kasi yun o. *sabay turo sa flat screen tv na nasa condo niya* Di niya na--man a--lam na maaa---ksidente yung lalaki." pagkatapos ay pinunasan niya ang mga luha sa pisngi niya.
"Sabi naman sayo wag ka ng nagpapapanood ng mga koreanovela na yan. Tapos ngayon iiyak iyak ka. Tahan na. Lika na. May dala ko."
Bigla naman nagningning ang mga mata ni Jyrah.
"Ice cream." bulong ni Jack sa kanya.
__________________
"Akala ko talaga kung napano ka na e. Sabi na koreanovela nanaman. Rinig ko kaagad nung makapasok ako dito e." sabi ni Jack habang pinagmamasdan si Jyrah.
"E, kasi *chomp* yung palabas naman na *chomp chomp* yun. Ang galing ng pagkakagawa *chomp* nakakaiyak tuloy." sabi niya habang nilalantakan ang chocolate truffles ice cream at fries na dala ni Jack.
"Ang daldal mo. Kumain ka na nga lang. *chuckles*.." sabi ni Jack saka pinahid ang ice cream na nasa sulok ng labi ni Jyrah.
"Nu ba Ja!! Buti ba kung masarap yang kamay mo e. Tss." saway nito sabay tampal ng mahina sa kamay ni Jack.
"Ang messy mo kasing kumain Jy. Para kang bata." nakangiting sabi nito.
Inirapan lang siya nito at saka nagpatuloy sa pagkain.
*Tok! Tok! Tok*
Kumunot ang noo ni Jack.
"Expecting someone to come over?" takang tanong niya.
Umiling lamang si Jyrah at itinuro ang pinto. Kumain na ulit siya. Tumayo na si Jack para tignan kung sino ito. Laking gulat niya ng pinagbuksan niya ito at dambahan siya.
"I miss you! I miss you! Hmmmmmmn tsupp I miss you! Mmmmuaahhh. Hmmmmmmn." sabi ni Fitch (Fitchelline ang buong pangalan nito) sa pagitan ng paghalik niya kay Jack.
Oo. Patay na patay sa kanya si Fitch. Kulang na lang ay maghubad sa harapan niya. Wala naman siyang gusto dito. Hindi niya nga alam kung paano nito nalaman na naroon siya sa unit ni Jyrah.
"Fitch ano ba?! Umayos ka nga! Para kang sawa na nakalingkis a! Babae ka ba-" naputol sa pagsasalita si Jack ng siilin siya ng halik ni Fitch. Torrid.
Nasa ganoong ayos sila ng lumabas si Jyrah mula sa kusina. Nakaupo na ang dalawa sa couch niyang kulay itim. Nakapatong si Fitch sa kandungan ni Jack habang hinahalikan ito. Napailing na lang si Jyrah bago nagsalita.
"Mga 'teh. May kwarto o. Wag naman sa couch. Masakit sa likod yan." pagkaraan ay umupo na siya sa kabilang dulo ng couch at in-on ang tv. "Maluwag dun sa loob. Kaya kayo ng kama ko." hindi siya lumilingon sa dalawa.
BINABASA MO ANG
A HUNDRED AND EIGHT DAYS OF CHANGES
RomancePain changes people. Is it for the better or for worse? Walang permanente sa mundo. Does that include ones' happiness? This is a story of LOVE. FRIENDSHIP. BETRAYAL. FORGIVENESS. SECOND CHANCES. CHOICES. AND... CHANGES. –gogetsomegoodness™