AHAEDOC: JEALOUS

8 1 0
                                    

June 18, 2015

JACK'S POV

Ilang araw na kong baby-sitter, hehe, este kasama ni Jyrah. Sa kung saan-saan. Natutulog na nga rin ako minsan sa unit niya e. Pero nasa labas ako. Medyo nakasanayan ko narin na masakit ang balakang ko pag gising kakatulog sa couch.

♪Magaan na ba ang iyong paghinga bumalik ka na sakin

Klaro na ba ang isip sinta bumalik ka na sakin

Hindi ka na nagparamdam mula nung cool off ako'y nahibang

Sige na please wag ng mainis bumalik ka na sakin♪

"Ang ingay mo talaga Ja." kinukusot-kusot pa niya ang mga mata.

'Ang cute talaga ng babaeng 'to kahit bagong gising.'

"Masanay ka na. Pag boyfriend mo na ko, maya't maya kita kakantahan. Hanggang ma-immune ka at sabihin na-- grabe Ja! Ang galing galing mo talaga kumanta."

Hinampas naman niya ko. Ganyan yan. Kahit naman dati ganyan na yan. Bakit ba kasi nagmahal siya sa taong kasing bobo ni Ice. Wala naman ginawa yun kundi ang manloko ng kapwa. Bakit rin kaya napagtya-tyagaan yun ni Dane. Ano bang espesyal kay Ice? Parang wala naman. Mas gwapo pa ko di hamak dun. Mga isang milyong beses pa.
______________________

JYRAH'S POV

Nagising ako sa kaingayan ng bestfriend ko. Hehe. Maganda naman boses ni Ja feel na feel ko lang asarin siya. Sa tuwing kakantahan nga niya ko bago ako matulog, pakiramdam ko hinihele ako ni Ed Sheeran, Jimmy Bondoc, Justin Timberlake, Adam Levine o kaya ni Sam Smith. Minsan may gitara pa yan na kasama.

Agad akong lumabas ng kwarto. Wala ng ayos-ayos maganda pa rin naman ako e. (⌒o⌒) Nakialam nanaman sa kusina ko. Simula ng mapadalas dito si Jack, lagi na lang kaming pumu-foodtrip. Papatabain yata ako ng kolokoy na 'to e. Nung nakaraan naman kasama ko siya sa Coffee Shop ko. Pinaghanda ako ng chocolate fudge frappe.

Tinitigan ko muna siya habang nakatalikod. Naka-t-shirt lang ito na puti at boxer shorts. Naka apron din na pink at naka-ipit ang buhok. He really has this sexy back huh. (。・ω・。)

"Ang ingay mo talaga Ja." ginulo ko na muna buhok ko at kinusot-kusot ko pa ang mata ko para hindi halata na kanina pa ako nandon.

"Masanay ka na. Pag boyfriend mo na ko, maya't maya kita kakantahan. Hanggang ma-immune ka at sabihin na-- grabe Ja! Ang galing galing mo talaga kumanta." parang bading pa siyang nagwave ng mga kamay.

Ano daw? Pag naging boyfriend? Seryoso parin pala siya doon. Akala ko nakalimutan na niya. Wala sa plano ko ang makipagrelasyon matapos ang nangyari samin ni Ice. Ayoko naman na isipin niyo, oo kayo, na rebound ko lang si Jack.

Hinampas ko nga ng bongga. Aga-aga pinapakilig ako e. Enebe nemen yeng genen. ≧ω≦

"Sira ka talaga. Ewan ko sayo." nakangiting sabi ko.

Habang magiliw akong kumakain, napapansin ko siyang nakatingin sakin. Ano nanaman kayang iniisip nito? Nung nakaraan nili-lecture-an ako tungkol sa pagri-reminisce ko sa mga nakaraan namin ni Ice. E, sya nga nagsimula. Tinanong ko lang si Dane, ang dami ng kinuwento. Panay pa sweet. Naalala ko tuloy si Ice. Nung normal pa siya. Ngayon kasi abnormal na yun e. Hahahaha. (⌒o⌒)

"Gandang-ganda ka nanaman sakin *chomp* yan na nga ba sinasabi ko sayo e *chomp* pantasya pa Ja!" sabi ko habang kumakain.

"Wag ka mag-alala. Kapag tayo na. Di na lang kita tititigan kapag nagagandahan ako sayo. Hahalikan na lang kita bigla."

Ok binabawi ko na ang pang-aasar sa kanya. Wala e. ¯\_(ツ)_/¯
Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Sabay naman humagalpak ng tawa ang loko. Napa-iling na lang ako.
________________________

A HUNDRED AND EIGHT DAYS OF CHANGESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon