XIII.

7 0 0
                                    

at ako ma'y maging tulang walang linya,
walang lasa at tamang timpla,
at walang tugma tuwing ako'y babasahin mo
at parang musika na walang himig at mga nota
ikaw parin ang mamahalin ko
ikaw man ay maging punong walang bunga:
kahit wala kang bulaklak,
kahit wala kang berdeng mga dahon,
kahit wala kang mga liko-likong sanga,
ako'y iyong magiging ugat
magiging lakas sa bawat sandali, sa bawat minuto
ikukubli ka sa mga nakakatakot na mga demonyo,
tutubigan ka sa bawat araw na magdaan,
papayungan ka tuwing bubuhos ang malakas na ulan,
upang ikaw ay bumunga
at mamulaklak nang maligaya.

maligaya
Pebrero 26, 2023

Sa Dugo ng ArawWhere stories live. Discover now