XX.

6 0 0
                                    

guguhit ako ng hugis puso
kukulayan ng sari-saring pinta—
ilalagay sa gitna ang aking mga paa
naghihintay na ikaw ay lumakad papunta sa akin.

ang paglapat ng ilalim ng aking paa
sa malambot na buhol-buhol na mga buhangin
kada tapak sa mga buhangin
ay tila nakakakuryente sa utak ko.

umikot-ikot, ginala ang paningin
hinanap-hanap ka sa gitna ng kalmadong hangin--
tanaw ko ang anino ng ibang tao sa kabilang panig,
alam mo namang maghintay sayo ang aking hilig.

masaya ang aking bukong-bukong at gitna ng aking kuko
ang pagdama sa mga buhangin
tila hindi bumabagsak
ang sarap gawing isang paksa.

wala na ang araw—
hindi na tumatanaw.
nag-iwan nalang ng kahel at kulay-rosas na mga ulap
at mga mata ko'y kakulay narin pati ang iyong talukap.

ako'y nakatayo, nag-iwan ng pusong sarado ang pinto
hanapin mo at hukayin—
sa buhanging ginuhit ko ang aking puso
pagpagan mo rin sana ang maliit na mga piraso
upang makita ang aking pusong kay pula.

von frederick
April 01, 2023

--

Ps. Natandaan ko isinulat ko 'tu nung nasa dagat ako hahaha. Tapos may buhangin paa ko nun kaliliit.

Sa Dugo ng ArawWhere stories live. Discover now