ginto

257 12 0
                                    


Hikahos sa buhay si mang nestor, nagcocopras at nagtatanim ang kanyang trabaho at kulang na kulang ang kanyang kinikita para matustusan ang pag aaral ng tatlo nyang anak,habang ang kanyang asawa ay sa bahay lamang at nag iintindi sa knilang anak.

Bago magpasko taong 2006, sunod sunod na nkapanaginip si mang nestor, may isang lalaking nagsasabi s kanyang may ginto daw sa likod ng bahay nila(nakatirik ang bahay nila sa gilid ng bundok) hukayin daw nya ito pero wag ipapagsabi kahit knino.

Agad nyang hinukay ang mumunting bundok sa likuran nila.

Ikaapat na parte na ng bundok ang nhubukay nya pero walang gintong nahuhukay, kaya napilitan syang pumuta sa kapitan nila at sabihin ang napanaginipan nya. Nag kainteres agad ang kapitan nila at agad nadala ng mga equipment at meron pa atang gold detector. Walang sablay sa sinabi ni mang nestor, may ginto nga sa bundok.maraming inupahang tagahukay si kapitan pero mukang lumalalim ang ginto.

Napilitan silang gumamit ng hitech na panghukay(nalimutan ko na ung tawag dun buldozer ata?)

Hindi nila tinigilan ng araw na yun kaya halos patag na ang dating magandang bundok at nakuha nga nila ang ginto.

Ikaapat na parte lang ang npunta kay mang nestor dahil napunta ang iba kay kapitan,pero kahit ganun masaya pa din si mang nestor dahil ngaun lang sya nkahawak ng ganun kalaking pera.

Ngunit ang pero nya ay di naglaon ng magkasakit ang mga anak nya.

Sunod sunod n namatay ang kanyang anak, at sa huli ay namatay din ang kanyang asawa.

Masyadong mabilis ang pangyayari at halos lahat ay nagulat.

May ibang nagsasabi na dapat daw ay hindi na kinuha ang ginto dahil buhay daw talaga ang kapalit nito.

Si mang nestor ay naging pulubi n lamang ,wala sa katinuan at minsay tumitigas n lang bigla.

TAKOT(TRUE HORROR STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon