nabaliw

280 9 0
                                    


grade six ng sumama ako sa tita ko sa bulacan para duon na mag aral ng high school.

tatlo kameng magkakapatid pero mahirap lang kame kaya iniwan ko muna pansamantala ang aking pamilya sa isa sa mga probinsya sa region 4.

simula nung magbakasyon ang tito ni amang sa bahay,lage nang may dinadasal si amang tuwing madaling araw.

nung mga panahon na yun hindi ko alam kung para saan yung dasal na yun. parang espanyol na hindi.

ang dating mabait naming amang, unti unting tumapang, natuto din syang magsugal dahil sabi nya may pampaswerte naman daw sya.

OO, nung una guminhawa kame .pero dahil dumami ang barkada nya lage na syang inuumaga  umuwi at lustay ang pera.

hindi na sya nagbabanat ng buto tulad ng dati. puro sabong lang ang pinagkakaabalahan nya.

Napilitan tumanggap ng labada at pagplantsa si inang.

Ako na dating paborito ni amang ay lage ng nabubugbog pati mga maliliit kong kapatid.

kaya napilitan akong sumama kay tita sa bulacan.

3 taon din akong nagtitiis  kay tita kahit sobra pa sa pang aalila ang gingawa nya.

nang isang umaga may masaklap at masakit na balita akong ntanggap.

Si inang...

patay na pati ang dalawa kong kapatid...f*ck.. hayop ka amang.napakasama mo.

sabi ng mga kapit bahay nag iiyakan daw sila inang at sila bunso alas-3 ng madaling araw.

pero hindi nila pinansin dahil lage naman silang nag aaway.

pero nang sumigaw na si inang ng "tulungan nyo kame"

pumunta na sila sa bahay,pero may itak si amang kaya hindi sila makapasok.

tumahimik agad sa bahay kaya akala nila wala ng gulo.

pero ng bumalik sa katinuan si amang.lumabas sya at nagsisigaw ng tulong.

NAKITA NILA SI INANG,WALANG BUHAY,PURO KAGAT ANG MUKA at KAHIT SAANG PARTE NG KATAWAN PURO KAGAT GANUN DIN ANG MGA KAPATID KO, AT MAY GILIT SA MGA LEEG NILA.

Nung umuwi kame ni tita halos hindi ko sila mkilala.pagsilip ko sa kabaong talagang brutal ang ginawa sa kanila.Pinigilan kong umiyak dahil lahat angkan ni amang. ni isa walang kamag anak si inang dahil taga visaya part sya.

nagpakatatag ako.

kahit yung puso ko sobrang durog na.

kinulong si amang pero pinayagan syang lumabas nung libing nila inang kasama ng mga pulis.

halos walang nakiramay sa libing dahil takot kay amang.

pinilit nya akong kausapin,paulit ulit syang humingi ng tawad.pero bingi ako sa sakit.

ang sabi nila sa sobrang lasing ni amang hindi na nya napapakain ng dasal yung mga anting nya.kaya sya nawala sa katinuan.

pero wala na akong pakialam sa kanya.

pagkalibing kina inang at mga bunso,

umalis ako ng walang paalam.

dala ang mahahalagang papel tulad ng card ,birth certficate at iba pa.

sorry inang kung kumuha ako sa abuloy ninyo.

nagpunta ako sa kalapit naming probinsya. nagbarko at bus. 12 oras ang byahe ko.

nung alam kong malayo na ako,

nagpunta ako sa mga  simbahan. tatlong simbahan bago ako nakahanap ng kukupkop sa akin. napakabait ng panginoon.

Inang, malapit na po ako matapos sa pagkadoctor. pinapangako ko pag nakatapos na ako inang pupuntahan at kukunin ko kayo dyan nila bunsoy!!
ilang buwan na lang makakasama ko na kayo.
mahal na mahal ko kayo.

#dra.jenny

May them rest in peace;(

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TAKOT(TRUE HORROR STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon