HAUNTED HOUSE II

211 8 0
                                    

buntis si mama 2001.

nagwawalis si mama nun s labas ng may humintong van sa harap nya,isang matandang babae na nakasalamin ang dumungaw sa bintana. medyo nagtaka si mama kasi fc yung matanda.

tinanong kung kailan sya manganganak tapos kung sino daw kasama namen sa bahay.

at si mama naman sinabi yung totoo na kame lang dun.

kinagabihan dun natulog yung pinsan ko. dahil medyo malaki na yung tyan ni mama nahihirapan n syang umakyat s kama. gustong gusto pa naman nya dun kasi may bintana. iniiwan nya lang yung bukas kasi daw mainit.

nakahiga lang kameng tatlo sa semento at nilatag yung kutson.

patay lahat ng ilaw sa loob at ilaw lang ng poste sa labas ang ngbibigay ng liwanag s kwarto.

2am ng magising si mama may nagtitiktik daw.nasa 2nd floor kame nun.

unti unti bumangon si mama, at nagulat sya dahil may malaking ibon na nakadikit sa bintana. nagpipilit pumasok.kinuha nya yung palaspas at hinampas dito.

pero dahil may kamang nakaharang d nya mahampas ng malakas.

sobrang takot nya pero nilabanan nya kesa mamatay kameng lahat.

sinusuot daw talaga nung ibon yung panget nyang muka sa grills ng bintana.ginigising nya si pinsan pero tulog butete. hanggang may dumaang truck. huminto ito at binuksan ang headlight. .maging si mama ay nasilaw. agad umalis ang malaking ibon.

laking pasalamat ni mama dun sa driver ng truck na yun.. di din ni mama alam kung anong pwedeng mangyari..buti hindi ako ginising ni mama. baka namatay na ako sa takot.

may kasunod to..

nalaman na namen kung sino yung aswang..

intay lang kau sa pag update. busy busyhan muna ako

TAKOT(TRUE HORROR STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon