LAIA POV
Nagising ako sa sinag ng araw na kumawala sa bukas na bintana. Nasaan ako? Si Gaia asan? Yung anino at binibini? Teka tuluyan naba akong nahuli? Wahhhh Amaaa tulong
***KNOCK KNOCK***
"Mahal na prinsesa"
"Hoy Laia, gumising kana jan. Kanina kapa hinahantay sa hapag" rinig long sigaw ni Gaia sa labas ng pinto. Nilibot ko ang tingin silid, nasa aking kwarto ako ngayon. Papanong nangyari ito? Ang huling tanda ko ay nasa Zoen forest ako nawalan ng malay.
"LAIA ANO, HIHINTAYIN MOBANG NAGALIT ANG IYON AMA?" Sisirain na ata nito ang aking pinto.
"GISING NA, MAG AAYOS LANG AKO" Sigaw ko pabalik sakanya. Inialis ko muna sa aking isipan kung ano ang nangyari kagabi dahil mas nakakatakot magalit si Ama. Simpleng blue na dress lang ang aking sinuot at nag lakad nadin papasok sa silid kainan
"Simulan na natin ang pagkain" mahinahong saad ni Ama. Umupo ako sa tabi ni Gaia tanging kaming tatlo lang ang nasa habang.
"Asan si Ina?" Tanong ko at nag simula nading kumain. Nasa gitna si ama habang nasa kaliwang gawi niya ako, habang katabi ko si Gaia at bakante ang harapan namin.
"Nasa Xuixie Ang iyong ina"
"Huh? Xuixie?" Nagtatakang balik ko kay ama, bakit naman pupunta ng gantong kaaga si Ina sa Xuixie?
"May atakeng nangyari kaninang madaling araw sa Xuixie Village. Halos kalahati sa mga bahay ay nasira at may iilan na namatay" paliwanag ni Gaia sakin. Pag atake, hindi malabo dahil inatake din kami kagabi
"Bakit kailangan pa pumunta ni Ina doon? Hindi ba delikado? At hindi natin sakop ang Xuixie dahil nasa Doom forest iyon." Napatingin ako kay ama habang sinasabi iyon, hindi niya ba naisip na baka nandon pa ang iilan na umatake at baka mapahamak si Ina?
"Tama hindi dapat tayo mangealam dahil hindi natin sila sakop. Ngunit, baka nakakalimutan mo na galing Xuixie ang iyong Ina Laia." Napatungo nalang ako sa sinabi ni Ama, kung sakop lang namin ang syudad na iyon malamang ay nagpadala na ng tulong si Ama. Pero hindi kami pwede basta basta magpadalos dahil malapit ito sa Touroa. At baka biglang magharap ang dalawang panig at magka-initan
"Pst, huy Gaia. Panong nakauwi tayo kagabi?" Mahina kong bulong para hindi kami marinig ni ama
"Anong pano? Hinatid tayo ni Gadriel kagabi, Laia. Nauuna ka pa ngang tumatakbo kaysa samin" gulong tinignan ko si Gaia. Anong hinatid ni Gadriel eh sinugod nga kami non
"Anong sinasabi mo jan? Sinugod tayo ng isang anino kagabi, nagkasugat ka pa nga sa balikat" mahinang sabi ko ulit dito. Totoo ang nakita ko kagabi. Ang anino, espada at yung babae
"Lasing kapa din ba Laia? anong sugat pinagsasabi mojan? Tignan mo ang balikat ko. at anong anino? Matiwasay tayong nakabalik sa palasyo" tinignan ko naman ang balikat nito pero wala ngang galos ng nangyari kahapon. hindi, ikaw ang lasing. Pagkatapos mong masugtan ay natulog kana. Bakas ngayon ang pagkalito sa mukha ko. Baliw naba tong si Gaia???
"May problema ba?"
"Ah hehe, wala po Ama" naguguluhan man sa inaakto ni Gaia ay hindi na muna ako nangulit pa at tahimik na inubos ang aking pagkain
ASHNI POV
"HAAAAAAAAAAA!!! Kapagod naman itong araw na to" rinig ang daing ni Zephany pagpasok namin sa tinitirhang Hut.
"Tiisin mo Zephany, Malapit na tayo makapasok" malapit na, ilang araw nalang at pasukan na sa Mantra.