ASHNI POV
"Hoy tapos kana? Andito na tayo. Kanina pa kumakatok si sir Isaac. Sinabi ko lang saglit dahil mukang busy kapa" napamulat ako sa kalabit ni Zephany sakin. Sinasabi ko na nga ba'thindi ako makakapag pahinga ng matagal dapat binagalan nila ang pagpapatakbo diba.
"Mauna kana Ashni, etong si Sir Isaac naman kasi inilapag sa Field ang glidewing. Sabi ko sa harapan ng academia nalang eh" napatingin ako sa labas namin. May mga taong nakatingin nga sa karwahe, sino bang hindi? Isang royal ride lang naman itong gamit namin. Pinagbuksan na kami ni Isaac. Tumungo ako bilang pasasalamat at hiningi na ang gamit namin pero hindi nito binigay at nagtawag pa ng isang lalaki para kuhanin ang gamit ni Zephany
"Ang tungkulin po namin ay ihatid kayo kay Master Mavar, Sumunod ho kayo" naguguluhan man ay nag kibit balikat nalang ako habang makahulugan na tinititigan ako ni Zephany. kahit ako ay walang alam sa nangyayari wala naman akong lakas para tumangi dahil hahaba at hahaba lang ang usapan.
"Anong ginagawa nila! At wala man lang may balak tulungan ang babaeng?" Nakaramdam ako ng inis sa boses nito ngayon. Huminto ito at tumingin sa nalagpasan namin kanina Kaya napatigil din kami. Isang babae ngayon ang nakaupo at puno ng gasgas habang isang babae ang nakatayo habang pinaghahampas ang huli. Ang mga tao naman ay simpleng titingin lang tsaka aalis na parang walang nakita habang ang iba ay tumigil para manuod
"Bakit walang tumutulong sakanya sir Isaac?" tanong nito at nakaturo pa sa dalawang nag aaway sa gitna. Nakailang sampal at batok nadin ang nananakit sa babaeng umiiyak na ngayon. May kasamang 2 tao ang nanakit na tila ineenjoy pa ang ginagawa ng kaibigan nila.
"Isang Logia type ang Babaeng nananikit, samantalang paramecia type lamang ang binibi, alam niyo naman siguro ang sistema hindi ba?" Alam na alam, at ano naman kung isa siyang Logia? Hindi naman sila hari para sambahin at pagsilbihan.
"Wag kanang makisali Zephany, Alam koyang tumatakbo sa utak mo" inirapan lang ako nito at nagsimulang mag lakad palapit sa dalawa
"Don't do anything stupid, Zephania" pahabol kong sigaw dito.
"Pipigilan kopo ba siya?" Tanong ng lalaking may hawak ng mga gamit ni Zephany kay Isaac, tumingin naman saking ang huli, at bakit ako ang mag dedesisyon??
"Nah, Let her be. Hindi modin Naman siya mapipigilan, hinantayin nalang natin siyang matapos" saad ko at humakbang ng konti para maka-alis sa batong lapag at makaupo sa damuhan ng field, ramdam ko parin ang pagod kanina, kaya ayokong nag gagamot. Ramdam ko namang tumayo sa magkabilang gilid ko ang dalawang bantay namin. bantay kasi para silang mga personal bodyguard.
"Sorry talaga, hindi kopong sinasadyang mabangga ka"
"Anong hindi sinasadya? Ang laki laki ng field sa harapan ko pa ikaw dumaan? Hindi moba ako kilala?"
'Sino kaba para kilalanin?' Napangiti ako, mukang maganda ganda itong palabas ni Zephania, ipinatong ko ang baba sa aking palad
"Sino kaba para kilalanin?" Pag pigil nito sa sampal ng Logia iwinasiwas nito ang kamay at humarap sa babaeng nakaupo tsaka inalalayang tumayo "ayos kalang?" Ngumiti naman ang paramecia type. Tinanggap nito ang kamay ni Zephany tsaka tumango-tango
"Tigilan mona itong kalokohan mo miss, hindi kana bata para Umakto ng ganayan" diing sabi ni Zephany, sigurado akong nagpipigil lang ngayon yan.
'Sino ka para utusan ako? Isa akong Logia.' Napailing nalang ako. Bakit ang tataas ng pride ng mga Logia? Hindi porket malalakas ang Mantra nila ay pwe-pwede na nilang tapak-tapakan ang mga mahinang type ng mantra