Laia POV
"Kilala moba kung sino ang kasama natin kanian?" Tanong ko kay Gaia, katabi ko ito ngayon habang may katabi siyang dalawang babae kanina. Yung nasa pinakadulo naman ay parang pamilyar ang bulto ng katawan. Hindi ko alam kung saan ko siya nakita.
"Hindi, baguhan lang sila dito. Ang isa kanina ay kinalaban si Levani kanina" nakakagulat na may kumalaban kay Levani. Sabagay baguhan palang sila dito.
"Kung ganon ay magandang laban ito. Teka dalawa lang sila?" Napalakas pala ang pagsabi ko noon dahil pati ang mga professor at headmaster ay napatingin samin.
"Ang isa sakanila ay katumbas ng limampung tao" naguluhan naman ako sa sinabi ni Headmaster.
"Kilala ninyo sila?" Tanong ko dito, pero umiling lang ito at tumingin na sa nag sisimulang laban sa gitna
Napakunot ang noo ko sa dalagang naka pink na track suit dahil umupo lang ito sa gitna, panaka naka pa ang hikab nito tsaka itinaas ang hood, hindi ko tuloy mawari kung natutulog nanaman siya oh hindi. Pag upo kasi namin ni Gaia dito ay tulog ito, tumawa naman si Headmaster na tila nagustuhan ang ginawa ng isa
Paanong matatalo ng isang babae ang limang Logia? At hindi lang basta Logia, dahil ang limang ito ay nasa pinakamalakas na manter ng akademi. Depende nalamang kung isang Logia din ito at mas malakas at mautak gumamit ng kakahayan o hindi kaya gamay ang pitong Martial art techniques (MAT) dahil ito lamang ang nakakasakit ng mga Logia type. Kung simpleng sapak at atake lang kasi ang gagawin mo laban saamin ay hindi kami nito tatablan dahil ang isang Logia ay nagbibigay sa user na lumikha, kontrolin, at gawing natural mantra ang aming katawan. Katulad ko na kayang gawing tubig ang ibat ibang bahagi ng katawan at maging mismong tubig.
"Woah, Hindi pa siya gumagamit ng Mantra pero napatumba na niya si sandra at si sander" napabalik ako sa realidad at tumingin sa ibaba kung saan nag lalaban ang Logia group laban sa dalawang bagong studyente. sand ang mantra ni sandra habang ice naman si sander, papaanong nagawa niyang talunin agad ang dalawang iyon?
Masyadong itong mabilis kumpara sa Lima at mukang gamay na gamay ang MAT dahil ayun ang ginagamit niya para makipagsabayan.
Sumunod na sumugod si Vernon dito isang Logia: Gas ang mantra nito. Sinubukan nitong sugidin ang babaeng naka upo pero hinarang siya ng babaeng naka black. Kita ang pagbukas sara ng bunganga ng dalaga tila may sinasabi ito sa binata. Kita ang galit sa muka ni Vernon at nagpakawala ng kulay lila na usok. Halos wala ng makita sa arena kundi usok lamang at si vernon na nakalutang sa itaas ng usok. Ang pang baba niya ngayon ay naka hulma ng usok para makalipad siya. Sure akong Kahit gaano kagaling ng dalawa ay maaring tamaan sila ng gas ni Vernon at sigurado akong May lason iyon.
Hindi pa nawawala ang usok na pinakawalan ni Vernon na nakangisi ngayon ay may mabilis na bagay ang sumugod sakanya isa itong tempest kick, nabigla ito sa nangyari dahilan para maputol ang ibabang bahagi ng katawan at bumagsak sa lupa. Kasabay ng pagbagsak nito ay pagkawala ng usok sa arena. Simpleng nakatayo lamang ang black na babae habang nakaupo padin ang isa. Pamilyar talaga ang hubog nito isang to. San koba siya nakita?
Pilit na binubuo ni Vernon ang sarili niya pero hindi niya magawa. Hati padin ang katawan nito. ang itaas na katawan nito na hugis tao habang ang kamay ay usok. Samantalang nakahiwalay ang isang tumbok na usok na pilit bumabalik sa katawan niya.
"Pwede bayon? Ang isang Logia ay nahihirapang ibalik ang parte ng katawan niya?" Napailing ako, never pako nakakita ng ganyang pangyayari. Kung ang isang Logia ay nasa mantra form pag tinamaan ito ng isang technique ng martial art ay babalik lang ito sa normal na parte at magkakasugat.