5

11 0 0
                                    

Ashni

"Sigurado kabang dito ang daan papuntang dormitorio Zephany? Gusto konang magpahinga" sumandal pa ako sa katawan nito para bigyan ako ng lakas habang naglalakad

"Ikaw napakatamad mong tao, bata palang pinapataas mona ang stamina mo pero ilang minutong laban pagod kana agad" sermon nito sakin, lumayo pa ito para makaiwas sa pagsandal ko sakanya

"Kung hindi ka sana nag feeling super hero kanina sa Ahabara town baka nag tatalon talon ako papasok ngayon" irap ko dito saka deretsong naglakad dahil panaka naka ang tingin samin ng iba.

"Aba kung hindi ako nagpresenta kanina, hindi tayo makakasakay sa isang glidewing, baka una at huling sakay na natin iyon" ngiti nito at mas binilisan ang paglalakad

"Ano pala ang sasabihin natin pag may nag tanong kung bakit tayo naka sakay doon?" Tanong ko dito, ayoko namang sabihin na dahil gumamot kami ng isang batang royal, dahil ayoko ng mag ala doctor ngayong nakapasok na kami ng akademia.

"Simple lang, wag natin sasagutin, para isipin nilang royal tayo, hindi ba ang angas non? Para nadin maiwasan natin ang nangyari kanina" wow? Galing pa sakanya yan? Eh siya nga ang pumasok nalng bigla sa gulo kanina.

Hindi nako sumagot sakanya dahil parehas kaming tumigil sa isang maliit na bahay gawa sa bato, sa gitna nito ay isang malaking pintong gawa sa kahoy at dalawang bintana sa taas nito.

"Sigurado kabang ito ang dorm ng mga babae? Lahat ba ng babaeng manters ay kasya sa bahay nayan?" Takang tingin ko kay Zephany pagkatapos titigan ang disenyo ng dorm

"Sigurado ako. Tignan mo" pakita nito ang telepono niya. May pulang arrow ito sa gitna at kulay green naman na dot ang kaharao nito "tara pumasok para malaman natin" aya niya at hinala ako papasok ng loob, pagkapasok namin ay kusang ngumanga ang aking bibig

"Anong salamanca ito? Paramecia: cosmic space? Expanse? Cosmos? Nakakamangha" hindi ding makapaniwalang saad ni Zephany

Parang napunta kasi kami sa ibang dimensyon pagkapasok namin, bumungad samin ang nakahilerang magkakaparehang desenyo ng cottage. Kada bahay ay may mga numerong nakasulat at may mga street sign sa gilid upang maging gabay. Kinuha ko ang keycard na inabot ni headmaster kanina at tinignan ang numerong nakalagay doon. R105

"Ash bakit hindi tayo makasama sa iisang bahay" sad nito habang naka tingin din sa keycard na inilabas ko. Tinignan ko naman ang kanya. R104

"Baka tig isa ang mga bahay ng mga Manters dito? Atsaka baka magkatabi lang naman tayo, 105 ako, 104 ka. Dadayo at dadayo padin naman ako sa bahay mo para makikain." Ngiti ko sakanya, wala akong alam sa gawaing bahay, alam ni Zephany iyon, kaya nga pilit siyang sumama sa misyon ko dahil mamatay daw ako sa gutom.

"Ayan simulan munang matuto, hime" asar nito sakin at nagsimulang hanapin ang bahay namin, bahay na ang itatawag ko dito at hindi dorm dahil may sariling space ang bawat cottage.

"Ayan maiwan na kita prinsesa ah, tawagan mo nalang ako pag may kailangan ka. Gamitin mo naman ang telepono mo, ano yan display?"

"Pwede ba tigilan moyang kakaasar sakin. At wala naman akong gagawin sa telepono. Kaya naman kitang puntahan pag may kailangan ako" balik ko sakanya

"Akala koba nagsasanay ka para makibagay sa mundong ito? Lahat ng manters gumagamit na ng telepono ngayon Ashni"

"Ewan ko sayo, duon ka na nga mag papahinga na ako" pagtaboy ko dito at pumasok na sa titirhan ko dito sa Mantra Academy. Kung sa labas ay desensyon Gothic ang makikita sa loob naman nito ay napapalibutan ng madilim na kulay at modernong disenyo,

Ang living area ay nagtatampok ng maluwag, open-concept na disenyo. Ang mga dingding ay pininturahan ng malalim at mayaman na kulay charcoal gray, na nagpapaganda sa kabouhan. Ang mga ito ay pinalamutian ng matikas at magarbong mga sconce sa dingding na nagbibigay ng mainit at liwanag sa paligid.

MANTRA ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon