*Chapter 5*

21 2 1
                                    

~Steve POV~

"Kingina mo pare, napaka landi mo. Mamatay ka na sana"


Sabi ni Matrixx sa kabilang linya. Iniwan ko muna si disgrasya este Milcah pala sa may bench ng sampaloc lake. Nakikipag laro kasi sa aso.


"Kinginamo din pare!! mauuna kang gago ka.!!"


Ganyan lang kami mag usap. Masyadong pormal.


Sumilay ako sa kinauupuan ni Milcah, "tangina!! kung hindi ka lang laspag ay mamahalin kita"


"Tangina mo!! bawal ma inlove gago!! gwapo ako pero taena pare, dapat ba na mainlove ka diyan sa babaeng iyan?? bawal yan sa rules."


Shutaenamers!! bulong lan iyon pero dinig ng lintik na Matrixx na yan. Gag* talaga. Pero tae lang!! paano nga kung mahulog ang loob ko dito.



"Tandaan mo pare, bawal mainlove sa kanya. Sasaktan mo din naman paaasahin mo pa!!"


Tama siya. Tama si Matrixx, bawal ako mahulog sa babaeng ito. Kahit anong ganda nga naman niya paaasahin ko lang din.


"Oo na pare."


Mga eksperto talaga itong mga sira ulo kong barkada. Dakilang paasa kasi.


Binalikan ko si Milcah, pero bago ko lapitan kumuha muna ako ng litrato niya na masayang nakikipag laro sa mga aso.


Naisave ko na ang litrato, pagbaba ko ng aking Cellphone.


"BOOM!!!"

"Ay tanga!!"

-,- tang*na. Hindi ko alam kung ano ang ikinabibilis ng aking puso. Ang panggugulat ba niya o siya.


"Hahahahahahahahahahahaha, ang itsura mo dito oh. Hahahahaha"


Nakanang!! iniharap yung cellphone niya at nandun ang mukha ko. Mukhang gulat.


"Akina yan"

Ang bilis ng kamay niya. Hindi ko naagaw ang cellphone.


"Kuhanin mo kung kaya mo, bleh"


She's cute.

Hinabol ko siya tapos parehas kaming natapilok kaya naman napa patong ako sa kanya, saktong lapat ng mga labi namin.


"Click, tae pare!! damoves!!"


Agad akong napabangon. Nakanang!! paano napunta dito si Oliver.

------------------

Like and join mycess01

Revenge (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon