Chapter 16

145 4 1
                                    

Napailing nalamang ako ng ilang beses at napaatras ng ilang hakbang palayo sakanya. Ang mga mata niya ay tila nanunuyo sakin, nakikiusap na wag ko siyang iwasan pagkatapos niyang umamin sakin.

"Steff" tila pagod niyang sambit sa pangalan ko at humakbang pa papalapit sakin para hawakan ako. Gusto ko pa sanang umatras at lumayo muna sakanya. Nakaramdam ako ng pagkailang bigla sa sitwasyon namin ngayon. Hinawakan niya ako sa kamay bagay na hindi ko na makontrol sakanya. Tila nanghihina ako at nawalan ng lakas para iwakli pa ang kamay niyang nakahawak sakin, basta hinayaan ko nalamang siyang gawin itong paghawak sakin.

"What now? Iiwasan mo ako?" 

Napaiwas ako ng tingin sakanya. Tikom lamang ang bibig ko. Hindi ko alam ang sasabihin at kung saan-saan nalang napadpad ang isipan ko sa mga oras na ito. Nawalan ako ng tapang na tignan siya sa mata.

"Steff, look, I am not forcing you to like me back okay? This is not a riddle to be solved, this feeling, it's obviously that I have feelings for you, I can no longer deny it Steff, kusa na siyang lumalabas mismo sakin at alam kong napapansin mo na rin iyon" napakunot ang aking noo at nangingibabaw saakin ang kaba sa di malamang dahilan. Natatakot ako sa kung ano man ang kahihinatnan sa pag amin niya sakin.

"Please don't avoid me after this, I'm just confessing to you, wala pa akong ginagawa na alam kong hindi mo magugustuhan. I just really want you to know that clearly" masyadong sincere ang boses niya at wala naman akong nararamdaman na binibiro niya lamang ako. Napapikit nalamang akong napabuntong hininga ng malalim sabay tingin sakanya. Nakikiusap narin ang mga mata kong nakatitig sakanya.

"Matt, alam mo naman ang sitwasyon ko diba?" Mahinahon kong sabi. Gusto kong maging maayos ang pag-uusap naming ito at hindi mauwi sa di pagkaintindihan. Kaibigan ko siya at naguguluhan ako kung paano ko siya iapproach ng maayos.

"Ayaw ko ng ganito at alam mo yon, hindi pa ako handa sa mga ganitong bagay. Ayaw kong pumasok sa ganitong relasyon kaya sana naman, hangga't kaya mo, pigilan mo yang nararamdaman mo sakin. Gusto kong manatili lang ang kung anong meron tayo ngayon at ayaw ko tong mawala" namungay ang kanyang mga mata sa narinig. Ilang segundo niya akong tinitigan bago niya ako tinanguhan ng ilang beses.

"May gusto ka bang iba?" mabilis akong napailing sa naging tanong niya sakin bagay na ikinaginhawa at ikinaayos ng reaksyon niya. Ikinagulat ko nalamang ang sunod niyang sinabi.

"Try me"

"Ano?" Nasira ang mukha ko sa narinig at bahagyang hindi makapaniwala.

"I'm a good man——

"Alam ko iyon Matt, mabait ka kahit lokoloko ka minsan, maayos kang pakisamahan pero hindi iyon sapat para gawin ang gusto mong mangyari"

"I'm not asking you to like me back Steff, gusto kong kusa mo rin iyong maramdaman sakin, I just want you to try it with me, kahit na pagpractisan mo nalang ako" 

"Ano? At ayos lang saiyo yon? Wala ka na ba sa katinuan——

"Yes" pagputol niya sa kung anomang sasabihin ko. Hindi ako makapaniwalang tinignan siya sa kanyang mukha. Totoo nga talaga yung sinasabi nila, nagiging tanga ang isang tao sa oras na umibig ito. Ni hindi na nila ma identify ng maayos kung ano ang tama at mali sa relasyong ito.

"Matthew naman" nakikiusap narin akong tumigil siya sa ganito niyang biro, kahit nararamdaman kong totoo itong sinasabi niya sakin ay gusto ko paring magbulag-bulagan nalang at umaasang binibiro niya lamang ako gaya ng dati niyang ginagawa. 

"I'm also begging you" sabi pa niya sakin na wala man lang bahid na pang-uunawa sakin. Gusto niyang siya yung masunod.

"Hindi ko kaya yang gusto mo. Kayong mga lalaki, ang dali niyong paniwalaan sa simula kaya ang daming mga babaeng nabibihag diyan sa kamandag niyo without knowing na sa una lang naman talaga kayo magaling, at sa oras na makuha niyo na kami, ano na? Basta niyo nalang iiwan sa ere ganon? Maghahanap ng iba kasi sawa na, diba?"

The Tale Of Our Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon