"diyan na ba si Kyler?" anas ko nang makapasok sa room.May dala ako ngayong cupcakes para sa kanya.
"Wala....." sabat naman ni Kia.
"Ahhh... Ki." tawag ko. Tumingin naman ito ng seryoso sa akin. "Oh?"
"Pakilagay sa mesa ni Kyler."
"Ehhh?" reklamo niya... "Pwede namang ikaw eh."
Umiling ako. "Nahihiya ako."
"Tsk. Sige." aniya. "Pero libre mo ko!" dagdag niya na ikinatawa ko.
Lihim akong napangiti ng kinuha iyon ni Kyler at kinain. Agad akong nag-iwas ng tingin ng nakita ko ang paglingon nito sa akin.....lagot.
"Kanino galing?" rinig kong tanong ni Kyler.
"ewan.." sabat ng kaklase ko.
Naptikhim ako. Buti ay di nila nahalata ang dala kong cupcakes kanina.
"Ikaw ha... kayo na pala ni Sia.!" rinig kong biro ng barkada ni Kyler na si Matthew.
"Oo nga... Suggest pano manligaw." anas naman ni Ethan ang isa pa nitong barkada.
Tahimik akong napalingon at napa-irap.
Hindi sumagot si Kyler at bahagyang napangiti sa biro ng dalawa.
Bw1st.
Buong umaga akong nabadtrip sa narinig. Grabe ganiyan na ba talaga niya ka gusto si Sia?
At bakit siya pa?
"Kim. may meeting." pag reremind ni Kyler pero di ako umimik.
"Kim....."
"K—" di ko ito pinapatapos.
"Pwede ba?!" I said with a high voice. "may ginagawa ako Kyler...."
I lied... Wala akong pinagkaka-abalahan. I immediately felt regret dahil sa lungkot na namuo sa kaniyang mata.....Weird.
"s-sige. Hintayin na lang kita." nakayuko nitong saad.
Bakit parang naapektuhan siya ng napagtaasan ko ito ng boses?
"Mauna ka na." ma-awtoridad kong sabi kay Kyler na ngayo'y nasa tabi ko.
Nakita ko naman ang pag-iling niya. "Diba sabi ko hihintayin kita."
Napa-lunok ako at tumayo. "Sige na nga lang."
I sighed. "Lika na, punta na tayo sa meeting."Natapos ang anunsyo ng director pero miski isa ay walang pumasok sa aking isipan.....
I felt bitter sa sinabi kay Kyler. Ni hindi ko man lang napagpasalamatan sa ginawa para sa akin!
"Mauuna na ako." pagpapa-alam niya....
"Sige." tanging nasabi ko.
"Anak," mama called me. "Next week na yung araw ng flight natin....."
I nodded.. "Oo ma."
"What made you change your decision,hmm?"
Agad akong napatili. "W-wala lang ma. Hirap buhay dito eh."
"Mahirap ang buhay, o mahirap makitang may kasamang ibang babae ang tinunturing mong buhay mo?" Napataas ang kilay ko sa sinabi ni mama.
"H-hindi ah!" nauutal kong saad.
"Asus...." she chuckled, and so was I.
She's right.... Di ko matitiis na may ibang gusto si Kyler, at hindi......ako.