Warn 6

480 14 7
                                    


Hindi niya napigilan ang sarili at tuluyan na siyang tinalo ng kung anong lumukob sa kaniyang damdamin. Wala na siyang pakialam sa kung anong sasabihin ng babaeng ito sa kaniya ang mahalaga lang sa mga oras na ito ay masigurong hindi na siya namamalik-mata, hindi na nanaginip nang gising at hindi na siya nangangarap.

Lalo niyang hinapit ang katawan nito palapit sa kaniya. Nais niyang maramdaman ang init ng katawan nitong nagpatunay na ito'y totoo. Kusang gumalaw ang kaniyang labi hudyat na nais niyang maramdaman pa ito. Ang mainit at mabango nitong hininga ang mas nakadagadag ng init na nararamdaman niya.

Ilang segundo niyang nilasap ang sandaling iyon. Hanggang sa isang malakas na puwersa ang pumigil at itinulak siya palayo rito.

Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita nang makita ang magkahalong gulat at galit sa mga mata nito.

Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula rito. Halos mabingi siya sa lakas nito, hindi na siya nanlaban pa nang paghahampasin at pagbabayuhin siya nito sa dibdib.

At sa kauna-unahang pagkakataon . . . Aaminin niya na hindi normal ang naramdaman niyang iyon sa babaeng ito.

Hindi pa gumagaling ang pisngi ni Warn na sinuntok ni Rupert at nadoblehan pa ito ng sapak mula sa babaeng nanalo sa staring game nila.

May hawak siyang ice pack at idinikit niya iyon sa pisngi na namumula at may pasa pa.

Nasa guidance office siya ngayon at matiim na nakatingin sa babaeng nakaupo sa upuan na nasa tapat ng kaniyang kinauupuan.

Hindi niya makuhang magalit o makaramdam man lang nang inis habang pinagmamasdan ang babae na kung makatingin sa kaniya ay halos patayin na siya sa titig pa lang nito.

Nakade-kuwatro ito ng upo at naka-krus ang mga braso at hindi nito nilulubayan ng sama ng tingin si Warn.

Namamagitan sa dalawa ang guidance counselor na si Mr. Fred Samaniego. Matagal na itong guidance counselor sa Montriego University, dito na nalagas at pumuti ang buhok nito. Saksi ito sa mga nagawang mga kalokohan ni Warn sa loob ng university kaya kilalang-kilala na nito ang binata at kung gaano katigas ang ulo nito. Sa edad na singkwenta ngayon lang ito na naka-encounter ng estudyante na laging may problema at laging inirereklamo ng maraming estudyante.

"Mr. Montreal hindi pa nareresolba mga naunang gulong kinasangkutan mo tapos ngayon mayroon ka na naman? Ano na naman ba ang ginawa mong kolokohan?" problemadong tanong ni Mr. Fred Samaniego.

Hindi naman umiimik si Warn at matama lang nakatingin sa babaeng kaharap.

Napahilot na lang si Fred sa kaniyang kaliwang sentido dahil nitong nakaraang araw lang ay nagkaproblema ito kina Vernice at Rupert ngayon naman inirereklamo ito ng bagong estudyante.

Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan nito at dahil hindi sumasagot si Warn kaya ang nagrereklamo na lang ang tinanong nito.

"Ms. Elixir, may I know what really happened?" tanong nito sa babaeng nagrereklamo.

Pinaliwanag nito kung anong nangyari sa game, idinetalye nito kung paano siya binastos ni Warn kung paano siya nito ninakawan nang halik.

"Binastos po ako ng lalaking 'yan. Napakawalang modo!" Nanggagalaiting saad nito sabay duro kay Warn.

PHANTOM THIEF: Warn Cross Alexis Montreal (SERIES I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon