Warn 23

292 10 0
                                    

After nang insidenteng 'yun sa basketball court ay mabilis na kumalat ang balita sa buong campus na si Warn Cross Alexis Montreal ay nakatakdang nang ikasal kay Rizza Alonzo, kahit saang sulok ng Montriego University ito ang pinag-uusapan.

Wala na rin nambubully sa kaniya ngayon, hindi niya alam kung anong nangyari pero natutuwa siya dahil kahit papaano ay tahimik na ang kaniyang buhay.

Lahat ng mga usap-usapan na naririnig niya tungkol kay Warn at Rizza ay pinapasok na lang niya sa kaliwang tainga at labas sa kanan, wala siyang karapatan na masaktan. At saka malinaw kay Warn na hindi niya ito mahal, sinabi niya 'yun para tigilan na siya nito.

Mukhang effective naman ilang araw na itong hindi nagpaparamdam sa kaniya.

Dapat nga natutuwa siya dahil wala nang makulit pero bakit tila hinahanap-hanap niya ang presensya nito ngayon?

Napabuntong-hininga na lang siya habang nagbubukas ng locker niya, galing siya sa library at doon muna tumambay, wala naman estudyanteng nagagawi doon maliban sa kaniya. After na matapos ang last subject niya ngayong araw ay wala na siyang ginawa buong maghapon kundi ang magbasa ng mga libro. Bumalik lang siya sa building nila para itago sa locker niya ang ilan sa mga gamit na nakalimutan niyang ilagay rito kanina.

Alas-sais pa lang ng hapon pero wala ng estudyante sa mga oras na ito, siya na lang ang nag-iisang tao rito.

Pagbukas niya ng locker ay natulala siya sa bagay na nasa loob n'on. Isang bottle ng orange juice at isang box ng donut.

Ilang araw na siyang nakakatanggap nito galing sa iba't ibang tao at ngayon naman mayroon nito sa loob ng locker niya.

Kinuha niya ang mga iyon at inilagay ang ilan sa mga gamit niya sa loob nito, matapos niyang mailagay ang lahat ay isinara na niya ang pinto ng locker pero napapitlag siya ng makita si Warn nakatayo sa likod sa gilid ng kaniyang locker.

Bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang masilayan niya ang mukha nito na nakatitig sa kaniya.

"I heard na 'yan ang gusto mong kainin ngayon." Seryosong saad nito habang nakasandal ang balikat sa saradong locker na katabi ng sa kaniya.

Mabilis na binawi niya ang tingin inilagay niya sa ibabaw ng locker niya isang box ng donut at isang bote ng orange juice, at pagkatapos ay ipinihit na niya katawan patalikod rito saka naglakad palayo.

Gusto niya sana itong kamustahin.

Gusto niya sana itong kausapin.

Gusto niya sanang makipagbiruan ulit dito katulad ng dati.

Pero mas pinili niya ang huwag itong pansin, kausapin, at ituring na parang isang hangin—nararamdaman ngunit hindi nakikita.

At katulad ng dati, naririnig na naman niya ang yabag ng mga paa nito mula sa kaniyang likuran na palapit sa kaniya. Sa una ay mabagal ang mga tunog ng bawat paghakbang  ng mga paa nito hanggang sa isang iglap nasa harapan na naman niya ito.

She need to compose herself in front of him. Kailangan niyang maging matigas at matapang, kailangan niyang itago ang marupok niyang damdamin. Ngayong alam na niya ang rules and regulations ng pamilyang Samaniego, tama na ang isang pagkakamali.

Ngayon gagawin niya ang lahat upang maisakatuparan ang dapat na mangyari at 'yun ay iwasan si Warn Montreal.

Akmang dadaan sana siya sa bandang kanan nito pero mabilis iniharang nito ang sarili sa kaniya at gan'un din ang ginawa nito nang subukan naman niyang dumaan sa bandang kaliwa nito, para silang nagpapatintero sa hallway.

Inis na tinapunan ni Erised nang tingin si Warn na seryosong nakatingin din sa kaniya.

"Tabi." Utos niya rito pero hindi gumagalaw si Warn sa kinatatayuan nito.

PHANTOM THIEF: Warn Cross Alexis Montreal (SERIES I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon