Warn 16

329 13 2
                                    

Ilang araw na ang nakaraan nang makalabas siya ng ospital. Hindi rin siya natiis ng kaniyang Lolo Nero, pinauwi na siya nito sa mansyon para magpagaling.

Halos dalawang linggo na siyang absent sa klase pero dahil sa nangyari sa kaniya binigyan siya ng chance na makahabol since graduating student siya.

Hindi siya pinayagan ng Lolo Nero niya na gamitin ang big bike niya papasok ng eskwela dahil nag-aalala pa rin ito sa kalagayan niya kaya sumabay na lang siya sa pinsang si Trey, fourth year college na rin ito sa kursong medicine. Isa 'to sa mga paboritong apo ng kaniyang Lolo Nero, total opposite sila ni Trey. Matalino ito, masunurin sa mga nakakatanda ng pamilya Montreal, laging kalmado at hindi nasasangkot sa gulo. Habulin din ito ng mga babae ngunit mga babaeng may pinag-aralan at anak ng mga mayayamang pamilya pero hindi ito basta-basta pumapatol sa mga babaeng iyon, pihikan ang pinsan niyang ito minsan nga iniisip niya na baka lalaki ang gusto nito at hindi babae.

Ito ang nagda-drive ng kotse at sa passenger seat naman siya nakaupo.

Tahimik silang dalawa habang tinatahak ang daan patungo sa Montriego University.

Hanggang sa ito na ang bumagsak ng katahimikan na namamagitan sa kanilang dalawa.

"From now on, you need to stop seeing any woman." Seryosong saad nito habang nagda-drive.

"Why? As if mapipigilan ko sila na lumapit sa akin?" nakangising tugon niya rito.

"Then stop entertaining them, last time I check you almost get killed because of that two woman. 'Yung babaeng naka-one night stand mo almost killed the woman you're playing with. And you get involved between the two of them." Sermon nito sa kaniya.

He sigh.

"Kulang ka ba sa s*x? Ang sungit-sungit mo ngayon." Pabirong saad niya.

"Huwag mo ako itulad sa iyo, kung sino-sino na lang ang pinapatulan." Hindi na talaga nagbago ang pinsan niyang ito napakaseryoso sa buhay.

"Hey, they just want a taste of a Montreal, pinagbibigyan ko lang silang lahat. And why don't you put that thing between your legs in use? Ikaw rin baka mamatay kang virgin." Pang-aasar ni Warn sa pinsan.

Inis na tinapunan siya nito nang tingin.

"You're getting cheap each day, Warn." Namimersonal na ito, pero tinawanan lang niya ito.

"You're getting old each day, Trey. Baka bukas 'di na tumayo 'yan, ikaw rin, ayaw pa naman ni Allysa Samaniego sa may erectile dysfunction." Pasaring niya rito.

Mabilis pa sa alas-kuwatro napalingon ito sa kaniya. Gulat ang unang nakita niya sa mga mata nito.

"Excuse me?" halos umabot sa higher-do ang tinig nito.

"Eyes on the road, Trey. Ayaw ko na bumalik sa ospital, akala mo siguro hindi ko alam na si Allysa Samaniego ang tipo mong babae." Tatawa-tawang saad niya.

Kita niya ang paglunok nito ng laway at naging mailap ang mga mata nito.

"Ayos lang 'yan, if you really want her follow your heart. Buntisin mo na lang para hindi na makapalag ang mga matatandang Montreal at Samaniego." Biro niya rito.

"I'm not like you, I have self control and principles na sinusunod sa buhay kaya huwag mo akong demonyohin, Warn." Confident na saad nito.

Muli ay natawa siya sa litanya ng kaniyang pinsan.

"Marami nang nagsabi niyan and they didn't last a second. I bet you will only last a second too, once you see Allysa Samaniego . . . Naked." Panunudyo niya kay Trey.

"Hey! Huwag mo isama si Allysa sa mga bagay na-" galit na saad ni Trey pero agad na pinutol niya ang dapat na sasabihin nito.

"Confirmed! You love her. Huwag mo na itanggi, kahit na bawal susuportahan pa rin kita. One call away lang ako, Trey." Assurance niya rito.

PHANTOM THIEF: Warn Cross Alexis Montreal (SERIES I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon