Chapter 1:
Bilog na bilog ang kulay pulang buwan sa kalangitan.
Isang nakakabinging kaguluhan ang nagaganap.
Hindi ko alam kung anong dahilan.
Nanghihina akong naglalakad habang pinagmamasdan ang lahat na pasalubong na tumatakbo saakin.
Naguguluhan ako sa nangyayare. Bakit nagtatakbuhan ang mga tao?Pilit kong sinisilip ang pinanggagalingan nila ngunit wala akong matanaw dahil sa mga taong nagkakagulo.
Nakakaramdam ako ng takot ngunit tila ba may sariling buhay ang mga paa ko. Nagsasarili itong mag lakad patungo sa lugar na iyon.
Bigla akong napahinto nang marating ang lugar na kanina ay pinanggalingan ng mga tao.
Nanginig ang boong katawan ko nang makita ang paligid.
May mga taong nag lalaban. Duguan sila. Ang ilan ay nakasoot ng katutubong kasootan at may hawak na kampilan. Habang ang mga kalaban nila ay nakasoot ng kumikinang na baluti at may hawak na espada.
Nagsasalubong ang kanilang mga sandata, paulit ulit at boong puwersa.
"Haaaaa!" Nakarinig ako ng sigaw sa likuran ko.
Nang lumingon ako ay nakita ko ang isang lalaking may soot na baluti ang akmang aatakihin ako.
Nakita ko na papalapit na ang espada niya sa leeg ko.
Sa sobrang takot ay napapikit na lamang ako.
Ilang saglit pa ay bigla kong narinig ang tunog ng nagtamang bakal.
Pagmulat ng mata ko ay bumungad saakin ang isang matipunong lalaki. Mahaba ang buhok niya at ang katawan niya ay puno nga tattoos na hindi ko maintindihan. Nakasoot siya nag kasootan ng mga katutubo.
Sinangga niya ang espada. Hindi ako makapaniwala sa nangyare, akala ko katapusan ko na.
"Ayos ka lang?" Usisa niya.
Napatango na lamang ako dahil sa pagka bigla.
Agad niyang sinunggaban ang lalaking naka baluti na umatakensaakin. Hindi nagtagal ay natalo niya ito.
Lumingon siya saakin. Hingal na hingal niya akong tinitignan.
Ilang saglit pa ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Halika, hindi ligtas dito." Sambit niya.
Hawak ang kamay niya ay pareho kaming tumatakbo sa masukal na gubat.
"S-saan mo ako dadalhin?" Usisa ko. "Atsaka, anong nangyayare?"
"Dadalhin kita sa ligtas na lugar." Aniya.
Patuloy lamang kami sa pagtakbo.
Ngunit sa hindi inaasahan na pangyayare.
Bigla na lamang kaming may narinig na putok ng baril.
Pareho kaming natigilan.
Nagkatitigan kami ng ilang saglit hanggang sa hinawakan niya ang dibdib niya.
Ngayon ko lang napagtanto na may tama siya ng baril sa dibdib.
Bumubuhos mula doon ang kulay pulang likido. Maging sa bibig niya ay may dugo ding lumalabas.
Nanghina siya at agad na natumba. Mabilis ko siyang sinalo. "Anong nangyare?" Usisa ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Natataranta ako.
Sobrang naguguluhan ako sa nangyayare.
Nahihirapan siyang huminga. Hindi siya makapag salita.
Hinawakan niya lamang ang aking kamay.
Sobrang higpit ng pagkakahawak niya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong lumuha.
BINABASA MO ANG
Pintakasi
Narrativa StoricaAng Pintakasi ay ang mga nilalang na pinili ng mga diwata upang maging tagapamagitan, maging gabay at upang mag bigay ng kapayapaan sa sansinukob. Sila ay ang mga nilalang na binigyan ng kakayahan na gamitin ang kapangyarihan ng mga diwata para sa i...