Chapter 2:
"I'm very sorry about what happened yesterday." Kasalukuyan kaming nasa isang coffee shop.
Matapos ang klase ay inaya kaming lumabas ni Joshua, at isinama niya kami dito.
Nahihiya sana kaming sumama sakaniya pero sobrang mapilit siya, libre niya naman daw kaya hindi na kami naka tanggi.
Hindi ko akalain na mayaman pala ang pamilya niya.
Sakanila pala yung malaking bahay malapit saamin. Nagkataon na magkapitbahay pala kami.
"Hayaan mo na yun. Hindi mo naman kasalanan yun." Tugon ko at humigop ng kape.
"Oo nga, masama naman talaga ang ugali ng Jacob na yun. Akala mo kung sino." Sambit ni Clarissa.
"Bakit ka nga pala binubully ng taong yun? Anong problema niya sayo?" Usisa ko.
"Hayaan mo na siya, ganon talaga yun. Sa totoo lang magkaibigan kami ni Jacob." Aniya.
Muntik na akong mabulunan dahil sa sinabi niya. "Huh? Seryoso?"
Maging si Clarissa ay nabigla sa sinabi ni Joshua.
Magkaibigan sila tapos ganon ang ginagawa sakanya ni Jacob?
"Oo, siya lang yung tinuturing kong kaibigan. May mga bagay na nangyare kaya naging ganon siya." Paliwanag niya.
"Kaya niya ako itinulak kahapon dahil hindi ako nag bigay ng pera." Sambit niya.
"At hinahayaan mo na ginaganon ka lang niya?" Usisa ko.
"Naiintindihan ko kasi siya. Basta mahabang kwento." Aniya.
Makalipas ang ilang oras na kwentuhan ay napag pasyahan na naming umuwi.
Habang nasa loob kami ng kotse ni Joshua ay madami pa kaming napag usapan.
Nalaman ko na negosyante din pala ang magulang niya. Sila pala ang may ari ng coffee shop na pinuntahan namin kanina.
Kaya pala madami siyang inorder na mga pagkain na nasayang lang dahil hindi namin naubos.
Hindi din kami nagsisi na sumama kami sakanya dahil sobrang busog namin ni Clarissa.
Bukod sa coffee shop ay madami pa silang ibang business.
Mag isang anak lang siya kaya siya ang magmamana ng lahat ng iyon pag dating ng oras.
Ihinatid kami ni Joshua sa bahay. "Oh pano, mauna na muna ako." Sambit ni Joshua.
"Sige, ingat! Salamat sa treat!" Sambit ni Clarissa.
"Oo wala iyon." Aniya at aalis na sana pero...
Biglang may tumamang bato sa kotse ni Joshua.
Lahat kami ay napalingon sa likuran.
At mula doon ay nakita namin si Jacob at ang dalawa niyang alipores.
Naglalakad sila papalapit saamin.
Nakita ko ang parte ng kotse na tinamaan ng bato. Malaki ang batong tumama dito kaya nayupi ito.
Hindi ko na napigil ang sarili ko. Kumukulo na ang dugo ko sa siraulong 'to.
Nakakuyom ang kamay ko habang naglalakad ako pasalubong ki Jacob.
"Ano na naman bang problema mo?" Galit na sambit ko.
"Umalis ka diyan, hindi ikaw ang pakay ko." Hinawi niya ako.
Malakas ang pagkaka hawi niya saakin kaya natumba ako.
BINABASA MO ANG
Pintakasi
Historical FictionAng Pintakasi ay ang mga nilalang na pinili ng mga diwata upang maging tagapamagitan, maging gabay at upang mag bigay ng kapayapaan sa sansinukob. Sila ay ang mga nilalang na binigyan ng kakayahan na gamitin ang kapangyarihan ng mga diwata para sa i...