Chapter 6

1.8K 21 2
                                    

THOMAS’ P.O. V

“Tapos na kaya klase ni Ara?”

Tinignan ko ang wrist watch ko at nakitang 6 na pala.

Siguro nga tapos na. Palagi ko siyang nakikitang naglalakad papuntang dorm nila mga 5 pa lang ng hapon eh.

Nakita ko na ang room nina Ara.

Lagot! Anong sasabihin ko? Baka ma-speechless ako pag nakita ko lang siyang naka-smile.

Yeeeee! Kilig ako.

Ang bading ko naman. Di bale, wala na ‘tong practice-practice.

Kaya ko ‘to.

Kinatok ko na ang pintu-an habang nagsasabing:

            “Tao po. Ara nandiyan ka ba?”

*Biglang nagbukas ‘yung pinto*

            “Oh Tom? Napadpad ka dito?”

Tsk! Akala ko pa naman si Ara na ang magbubukas si Mika pala.

            “Ahhh, si Ara ba nandiyan?”

            “Wala eh. May binili pa. Kung gusto mo umupo ka muna habang hinihintay mo siya. Maya-maya andiyan naman siya eh.”

Umupo ako sa sofa na nasa maliit na living room sa dorm nina Mika.

Meron akong nakitang mga picture frames na nasa table sa gilid ng TV.

Kinuha ko ang picture frame at ang nakita ko?

Si Victonara Salas Galang nung maliit pa siya.

Nyemas! Ang cute talaga ng bakulaw na ‘to.

            “Mika, si Ara ‘to di ba?”

Tinitignan ko pa lang ang picture niya kinikilig na ako eh.

Ganda niya talaga.

            “Oo. Si Ara ‘yan. Nga pala Thomas maiba ako, anong kailangan mo kay Ara’t pinuntahan mo pa siya dito?”

            “Eh kasi may friendly match kami bukas eh. Gusto ko sanang sabihin sa kanya para manood siya talaga.”

            “Ahhh, ‘yun ba ‘yung friendly match na sinasabi ni Jeron laban sa mga Atenista?”

            “Yun na nga.”

Nakita ko si Mikang tumawa. Ewan ko kung bakit.

Weird talaga ng mag-bestfriend na ‘to.

Kung si Ara bigla-biglang nagagalit si Mika naman bigla-bigla na lang nagsa-smile di kaya tumatawa.

“Oh, bakit Mika? Ba’t ka tumatawa diyan?”

            “Wala naman. Para sa ganun lang talagang pupuntahan si Ara eh. Pwede ko naman siyang sabihan. Yeeeeeeeeeet crush mo si Ara no?”

Magsasalita pa sana ako at itatanggi ang sinabi ni Mika ng bigla na lang pumasok si Ara.

            “Sinong may crush sakin?”

Napansin niya ako na nakatayo sa may living room nila kaya naman nagulat siya ng makita niya ako.\

            “Oh, ikaw asungot? Bakit ka nandito?”

Aba! Eto talagang babae na ‘to. Hindi niya ba alam pangalan ko at asungot ang tinatawag sakin?

Tsk! Ever-suplada talaga ‘tong si Ara!

It Started With A Tweet (Mika Reyes-Kiefer Ravena Fan-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon