Chapter 1

4.3K 35 12
                                    

MIKA's P.O.V

“Woah! And there goes Mika Reyes, again, with another kill. Boom, you know this girl has been a talk of our household.”

Kinuha ko ‘yung lasagna na nasa kitchen counter habang nanonood ng TV kasama itong sina Ate Mich, Ate Kim at Victonara.

Halos 3 days na rin ang nakaraan nung manalo kami sa 2nd meeting namin laban sa mga Agila.

“No wonder Mozzy. Kung makikita mo sa replay she has the perfect set, the perfect position and the perfect angle para patayin ang bola ‘yun.”

I’m Mika Aereen Reyes, ang middle blocker at quicker ng De La Salle University; standing 5 feet and 11 inches tall.

Siguro advantage ko ‘tong height ko na ‘to for my team. I can block easily at madali kong mapalo ang bola kahit hindi ako gaanong tumatalon ng mataas.

“Oy ah! Best bully friend. Grabe yung mga compliments sa’yo nina Boom at Mozzy.”

Sus! Etong babae na ‘to kala mo naman hindi palaging nakakarinig ng mga compliments kapag pinapalo niya ang bola’t makakascore kami.

“Ano ka ba Victonara? Ikaw din nga kapag makakapatay ka ng bola mas matindi pa ang compliments. Huwag ka ngang pa ‘Oy ah! Oy ah!’ diyan.”

Tuwing tinutukso ako niyan ng best bully friend ko, ‘BBF’ for short, tinatawag ko siyang Victonara na palagi niyang ikinagagalit.

“Huwag mo nga akong Vini-Victonara! Old school kayang pakinggan. Amfanget!”

Nagpout nanaman siya na parang batang inaway at kinuha ‘yung lobo.

Tinawanan namin siya nina Ate Mich at Ate Kim.

Sigurado kapag nakita niyo ‘yang mukha ni Ara na nakapout siguradong mamumulupot kayo sa sahig ng kakatawa.

“Grabe ka talaga VICTONARA no?”

Inemphasize ni Ate Kim ‘yung pagsasabi ng pangalan niya para lalo siyang mainis.

“Kapag nasa court parang berdugo kung umasta. Patay kung patay ‘yung bola.”

Nagsimulang kumunot ang noo ni Ara. Hala! Inis na inis na ‘to.

“Pero kapag tinawag ka lang sa pangalan mong singganda ng donya eh parang bata ka na nagpa-pout.”

Humalakhak nanaman kami. Si Ate Kim di na mapigilan ang tawa’t namulupot na talaga sa sahig.

“Ano ka ba Ate Kim? Hindi ako berdugo! Lagot kayo sakin. May araw din kayo.”

With tiger’ eyes pa. Hala! Okay, tama na.

                “Tama na ‘yan. Manood na nga lang kayo’t kailangan pa natin tignan yung mga errors natin sa game na ‘to against Ateneo.”

Ate Mich talaga. Ang seryoso kapag Volleyball na ang pinag-uusapan.

                “Oh, sige tama na. Awat na ‘yang pangungulit sa BBF ko. Ara, paabot naman nung iPad oh.”

I shut her with my puppy eyes look. Hahahaha tignan ko pa kung magagalit pa rin ‘to

                “Isa ka pa eh! Batukan kita diyan. Oh, iPad mo! Di mabuhay-buhay kapag hindi naka-twitter.”

                “Aba ang babaeng ‘to. Kala mo naman mabubuhay kapag hindi nakakalaro ng Temple Run. Joke lang. Peace BBF.”

                “Che!”

Nag-smile na lang ako sa kanya at pinabayaan na  lang siya.

Binuksan ko ‘yung twitter ko at as always ang naabutan ko sabog na mga mentions/tweets mula sa mga fans.

Marami akong nabasa tulad ng:

“Grabe galing talaga ni Ate @mikareyesss.”

“Woooooooh! Wala na talagang makakatalo sa MAMA block party lalo na’t nandiyan si @mikareyesss.”

“@mikareyesss really has the most charming face sa UAAP Volleyball Girls.”

“Compared to @filleisfly mas maganda talaga Yeye namin. Go @mikareyesss!”

Naku mga fans na ‘to paminsan-minsan makaka-cause talaga ng mga intriga. Tsss

Pero among those mentions isa lang talaga ang nakakuha ng attention ko at ewan ko kung ano ang dapat kong iasta with this tweet.

“Grabe kinikilig ako sa tweet na ‘to. Haba talaga ng hair nitong si Ate @mikareyesss. New love team na ba ang peg nito?”

Tinignan ko ‘yung picture na naka attach sa tweet ng isang fan at napatalon ako sa sobrang gulat.

“WHAT IS THE MEANING OF THIS?!”

Nagulat sila sa pagsigaw ko pero ako, gulat na gulat sa nakita ko.

                “Oh bakit? Anyare BBF?”

                “Bakit, ano bang nakita mo Ye?”

Ate Kim, nakita ko ang most intriguing tweet in my life ever!

Gusto ko sana sabihin kay Ate Kim kaso speechless talaga ako.

                “Wooohoooo! Mika. Yeye. Ate Mich ‘to. Huy! Kinakausap ka naming tatlo oh.”

Inabot ko na lang sa kanila ‘yung iPad at katulad ko gulat na gulat din sila.

Ate Mich (*o*)

Ate Kim (O_o)

Ara (*_*) (-_-) (o_o) (-_-) (O_O) (@o@)

Di obvious ang pagkagulat sa facial expression nilang tatlo no?

A/N: Hi po. Nagustuhan niyo po ba ‘yung start ng story? If ever po may typo sorry. Sana po supportahan niyo ‘yung story ko. Ang readers po kasi ang cause ng succession ng isang story. Thank you po sa pagbabasa. Abangan niyo pa ang UD para sa next chapter :)

It Started With A Tweet (Mika Reyes-Kiefer Ravena Fan-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon