MURAL

55 1 0
                                    

Trishas' POV

It was 3 in the morning when I left TIPS at mag aalas siyete na ng umaga ay hindi pa rin ako natutulog.

Nagawa ko ng labhan lahat ng damit at bed sheets ko, nag jogging pa-ikot ng subdivision namin, nagbasa ng buong series ng harry potter, gumawa ng plates para sa thesis at nalaklak ko na ang lahat ng fresh milk sa loob ng ref. Wala pa din, hanggang ngayon mulat na mulat pa din ako.

Pero siyempre JOKE lang ang lahat ng 'yan. Yung part lang na totoo ay yung umuwi ako ng alas tres at mula ngayon ay gising pa din ako. At mas lalong nagigising ang diwa ko dahil sa sumunod na pinatugtog sa radyo.

"
Isip mo'y litong lito
Sa mga panahong
Nais mong malimot
Bakit ba bumabalakid
Ang iyong mundong ginagalawan
Ang buhay ay sadyang ganyan
Sulirani'y di mapigilan
Itanim mo lang sa 'yong pusong
Kaya mo yan....

Orient Pearl - Pagsubok "

Bago pa ako tuluyang mabaliw ay dali dali ko na itong ini-off. Agad akong gumayak at umalis ng bahay. Kailangan mailabas ko ang aking saloobin sa paraang hindi ako iiyak. Namalayan ko nalang na nasa open field na ako ng university namin.

Pinark ko ang sasakyan pero hindi muna ako bumaba. Iidlip sana ako ng makita kong dinedeliver na ang mga pinturang gagamitin para sa mural project. Nang makaalis na sila ay agad akong bumaba at pinakialaman ang mga materyales.

Hindi ko na hinintay siagad kong sinimulan ang pagpipinta sa loob ng gym. Sa mismong stage ko piniling magpinta, dahil mag aalas otso palamang ay wala pa masyadong tao ang gumagawi dito sa may covered court.

Headset on. Tali ang buhok pataas. Let my hand paint! Pinta lang ako ng pinta wala akong pakialam sa concept sa kung anong pinipinta ko. Ang alam ko lang naiibsan ang lungkot ko pag nagpipinta ako. Ni hindi ko na napansin ang oras, hindi ko na din namalayan na buong stage na pala ang napintahan ko. Tapos na ako sa stage pero gusto ko pang puminta. Bumababa ako at naghanap ng parteng pwedeng pintahan.

May iilang tao na pala sa loob ng gymnasium at nakamasid sa akin pero as usual wala akong pakialam. Itinuloy ko ang pagpipinta sa bawat poste,nakaka tatlong poste na ako ng may biglang nagtanggal ng aking headset. Napamura ako ng wala sa oras at paglingon ko ay si governor pala.

"Hinihintay kita sa office, hindi ka nagreport sa attendance mo. Kanina pa kita tinatawagan pero unattended phone mo. Nandito kana pala, anong oras ka pa nandito?" Sunod sunod na tanong ni gov.

Sinimangutan ko lang siya at binigyan ng matalim na tingin. Hinablot ang papel na hawak niya at pumunit ng isang piraso saka pinintahan ng malaking letrang DND. Kumuha ako ng masking tape..

"Pakidikit PO sa likod ko GOV, at pakibasa PO ng maayos GOV."
madiin kong sabi sabay talikod para madikit niya ang ginawa kong DND sign. Ng madikit na niya yun sa aking likod ay agad kong sinuot ulit ang head set at nagpatuloy sa pagpipinta. Sa ngayon, kailangan kong mapag isa. Well, lagi naman akong nag iisa, wala ng bago.

Matatapos ko na ang pagpipinta ko sa pangatlong poste ng napagmasdan kong mabuti ang aking gawa. A woman with a very colorful gown sets like a rainbow colors who  dance like a prima ballerina.

At bigla kong naalala

**FLASHBACK***

"Oh Trish dear, you really are so amazing! My prima ballerina! I'm so proud of you!" Sabay yakap sakin ni granny.

"Oh granny, thank you! You think dad will be proud of me too?"

"Yes, of course dear. I know he will be more than happier if he finds out about this. Come on, lets celebrate whatever you like, my treat!"

"I love you granny"

"I love you more my dear Trish" and hugged me so tight.

.....................

Bigla akong nagbalik sa huwisyo ng sigawan ako ng baboy na si Vicky.

"Hoy! Ano?! Nagugutom kana ano? Kaya tulala ka diyan, arte ka pa kasi kumain kana dun. Kanina ka pa tinatawag, may pa DND DND ka pa kasing nalalaman!"

Hindi ko nalang siya pinansin. Kinuha ko nalang ang gamit ko at dali dali na akong umalis. Masarap pa sana siyang buhusan ng iba't ibang kulay ng pintura kaso wala ako sa mood para mangdemonyo ngayon. Lalo na at may namimiss akong tao. Oras na para bisitahin ko siya.

Knowing Ms. Unknown?Where stories live. Discover now