Trish's POV
"Lahat nga po yan ang kailangan!" kanina pa ako naiirita sa baboy na kaharap ko. Paano ba naman kanina pa kami nagdidiskusyon dito sa office nila, pina iwan ako ni gov kasama si vicky na siya palang secretary ng department namin para ilista ang mga materyales na gagamitin para bukas.
Kung bakit kasi nag suggest pa ako, ako tuloy ang nalagay sa alanganin, kaasar! Idagdag pa 'tong kausap ko ngayon, sarap lang lechonin!
"Eh, bakit kasi ang dami daming kulay? Magagamit ba lahat iyan?!" Naka taas kilay niyang tanong habang ngumunguya ng banana chips.
"Malamang, mural nga di ba?!" Pinanlakihan ko siya ng mata sabay ismid.
Ang baboy talaga niya, nakaka irita.
"Paki explain nga yang mural na iyan sa akin." busangot niyang sabi.
"Eh kung i-google mo kaya? Bahala ka diyan! basta yan lahat ng materials up to you kung magbabawas ka" sabi ko sabay tayo. Lalabas na sana ako nang bumukas ang pinto pumasok si gov.
"Oh, okay na ba yung pinapalista ko?" Tanong niya papalit palit ang tingin sa amin ni vicky.
"Oo, kaso ang magaling mong secretary ayaw tanggapin ang listahan na binigay ko. Bahala kayo kung babawasan niyo basta nasa kanya na yung list". At binuksan ko na ang pinto at umalis.
Di pa ako nakakalayo ng tawagin ako ni gov.
"Trisha!" Tumatakbo siya papunta sa akin.
Nilingon ko lang siya saglit tapos pinagpatuloy ko pa din ang paglalakad.
"Trisha, saglit lang" hinawakan niya ang braso ko ng malapit na siya sa akin.
Iritado akong tumigil at hinarap siya.
"Ano nanaman? Nalista ko na yung dapat ilista, naka alis na yung iba. Ako?! Hindi pa ba ako pwedeng umuwi?". Nanggigil kong tanong.
"Just want to inform you na kulang ang tao bukas na gagawa sa mural. Hindi ko din alam kung yung tutulong bukas ay mabilis gumawa o hindi. Ta-"
Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya dahil alam kong paligoy ligoy pa to..
"Oh ngayon? Problema ko pa ba 'yun?! Tss!". Pagtataray ko sabay pameywang.
Hindi siya makapagsalita, mukhang iniisip niya kung sasabihin ba niya o hindi.
"Come on, spill it out! Mag aalas siyete na oh, may lakad pa ako" bulyaw ko sa kanya.
"Isa ka sa gagawa ng murals bukas" sabi niya diretso ang tingin sa akin.
Napa buntong hininga ako. Nagkibit balikat nalang ako at akmang tatalikod na ako ng pinigilan niya ako. Tinignan ko siya sa mata.
"Gagawa ka ng mural bukas" pag uulit niya sa sinabi niya.
"Paulit ulit governor?!" Singhal ko sa kanya sabay alis ng kamay niyang nakahawak sa aking kamay.
"Hindi mo kasi sinasagot yung tanong ko" sabi niyang naka kunot noo.
"Tanong ba yun? It sounds like I'm obliged to do it. And if it's really a question, do I have a choice?! Wala naman di ba? So, please, I have to go now!" Naka ismid kong sabi sabay flip ng aking buhok at tumalikod na sa kanya. One meters away from him ng marinig kong may pinahabol siyang mensahe.
"8:00 in the morning sharp covered court! If you are late lahat ng dapat i- mural imumural mo!" Sigaw niya at nag echo pa.
Matalim na titig ang pinukol ko sa kanya at napamura nalang ako bago ako tuluyang sumakay sa aking kotse at pinaharurot ito.

YOU ARE READING
Knowing Ms. Unknown?
Teen FictionHow do you know one person? Is it by her looks? the way she dress? the way she acts or talks? the friends or people his in contact with? Depends on your criteria of knowing a person here comes Ms. Unknown because everyday you'll be surprise how her...