Nick's POV
Kanina pa nagpipintura ang buong grupo. Ang isang project kasi ng community service ay pinturahan ang gusali dito sa loob ng covered court. Nalalapit na kasi ang intramurals at pinaghahandaan ng buong admin ito. Madaming binigay sa akin na projects ang admin at lahat iyon dapat magawa before the coming of intramurals.
Halos dalawa't kalahating oras na kaming nagpipintura at halos kalahati na din ng covered court ang napinturahan ng grupo. Napasandal ako bigla sa dingding ng makaramdam ako ng pagod ng makita ng aking mata si trisha.
Nakatali ang buhok pataas, naka tali ang panyo sa may ilong at bibig niya. Naka taas pareho ang manggas ng shirt niya. Tagaktak na ang pawis niya. Hindi tulad ng iba na magkakasama sila para magpintura, siya pinili niyang mag isa. Siya ang pumili ng area niya, humiwalay siya sa grupo, ang tigas talaga ng ulo niya.
Ngunit namangha ako sa nakikita ko ngayon. Malapit na niyang matapos ang buong left side ng covered court. Pulido ang pagkaka pintura niya, para syang expert na construction worker. Concentrate na concentrate siya sa pagpipintura.
Hindi ko namamalayan lumalapit na pala ako sa kanya.
"Oh, ano nanaman?! mali na naman ba ang ginawa ko? You will going to call me stupid too?!" Sigaw niya habang nagpipintura pa din.
Napangiti nalang ako, naalala ko yung incident kanina. Hindi na maipinta ang mukha ng secretary ng grupo dahil sa paninigaw sakanya ni Trisha. Masungit talaga si Vicky, wala siyang pakialam kung mapahiya ka kaya tiklop din minsan ang mga kasamahan ko sa kanya. Sabi ko naman kanina bantayan niya ang mag a-attendance dahil maraming newbie at sinabi ko ng gabayan niya ang mga 'to sa pinipirmahan dahil nakakalito ang attendance sheet. Pinapapalitan ko nga sakanya, pero hanggang ngayon wala pa din. Busy daw kasi siya, ngayon nga isa si trisha sa nakagawa ng mali. Tulad ng ginawa niya sa iba pag nagkakamali, sinisigawan niya at pinapahiya pero ngayon nabaliktad ang sitwasyon. Siya ang napahiya, sinumbong nga niya sa akin ang nangyari pero sinabihan ko lang na ibahin niya ang attendance sheet.
"Oh ngiti ngiti ka diyan?! Oo na, sige na I AM STUPID! Happy?!" Sabi niya habang nakapameywang sa akin.
"About what happened awhile ago, I apologize. I already talk to Vicky, hindi niya dapat ginawa yun." sabi ko while my hands are inside my pocket. Titig na titig ako sakanya and she is really beautiful.
"Oh i see, vicky pala ang name niya. Ang ganda pala ng name niya eh. Muntik ko na syang matawag na baboy. Hayst, pasalamat siya naka pag timpi pa ako. Oh eh bakit ikaw ang nag so sorry at hindi siya?!" Tanong niya ng pasigaw habang pinupunasan ang noo niya gamit ang manggas ng t- shirt niya.
"As your governor, I serve as a peacemaker to you all". Simple kong sagot, ang totoo niyan ayaw mag sorry ni vicky, si Trisha daw mag sorry sakanya. Ma pride talaga ang babaeng yun.
"Whatever, alam ko naman hindi mag aapologize sa akin yun. Itsura niya noh, dahan dahan lang siya kamo sa fatty foods mamaya matuluyan siya". Sabi niya sabay peace sign at nag pout.
Napatawa naman ako ng malakas. Maya't maya pa ay sumasabay na din siya sa pagtawa sa akin na may kasamang hampas pa. Ng mahimasmasan ako at tumingin sa kanya bigla din syang tumigil sa pagtawa.
"Oh, okay kana?" pormal niyang tanong.
Napakunot noo naman ako. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla syang naging pormal sa akin.
"In case hindi mo nahalata, pinagtitinginan ka po ng tao dito sa covered court. Baka akala nila baliw ang governor namin. Ang lakas mo kasing makatawa kaya kesa magmukha kang ewan, sinabayan nalang kita sa pagtawa. Tsk!" mahaba niyang paliwanag sabay pulot ng paint brush at muling nagpinta.
Tinignan ko naman ang buong covered court, nasa amin nga ang attensyon.
"So, okay kana?" muli niyang tanong habang naka tingin sa akin.
"Ah, oO. May naalala lang ako." sabi ko nalang .
Nagkibit balikat nalang siya at pinagpatuloy ang pagpipintura.
"Mag pahinga ka na muna, mamaya na ulit yan." Pag iiba ko ng usapan at inabutan ko siya ng bottled water.
"Mamaya na, malapit ko na din matapos 'to eh" sabi niya habang inabot ang bottled water at ininom.
Akma na sana akong aalis ng magsalita siya.
"Puti lang ba ang pangkukulay dito?" Tanong niya habang, nagpipintura pa din.
Humarap ako sa kanya at
"Yup, halos lahat naman ng building dito puti ang ginagamit na pang pintura. Bakit? Do you have any suggestions?"
Nilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid tsaka tumingin sa akin.
"Doon sa may stage, diyan sa likod at lahat yang poste dito sa loob lagyan ng photo wall murals. Hindi masyadong maarte ah, yung simple lang tapos the rest gawin nalang faux paint para magara ang dating. Don't worry hindi naman yun maproseso, sa murals nga lang matatagalan dapat fine arts students ang may project nun." Mahaba niyang paliwanag.
Napatameme naman ako sa sinabi niya. Hindi kasi ma absorb ng utak ko ang suggestion niya. Ang totoo kasi niyan, wala akong hilig sa arts. Mukhang nabasa naman niya sa aking mukha na wala akong ideya sa pinagsasabi niya kaya nagsalita ulit siya.
"You don't know anything about arts, don't you?!" Nakakaloko niyang tanong sabay smirk.
Ayaw ko sanang aminin dahil mapapahiya ako pero hindi ko kailangang magmagaling kaya napatango nalang ako. As expected tumawa siya ng malakas at pumalakpak pa. Nang makita niya kung gaano kaseryoso ang mukha ko ay tumigil na siya sa kakatawa.
"Okay, never mind." Kibit balikat niya at bumalik sa pagpipintura.
Magsasalita pa sana ako ng may nagsalita sa aking likod.
"I like her suggestion. Make it possible, tell to me everything you need. Ako na ang bahala dun. Can you do that Gov. Fontanilla?"
Kahit hindi ako lumingon alam ko na kung sino ang nagmamay ari ng boses na yun. He is no other than the president of the entire student council, the son of the owner of this school and his name is Brent Diaz.
I nod to him and said "Yes pres." without looking on him.

ESTÁS LEYENDO
Knowing Ms. Unknown?
Novela JuvenilHow do you know one person? Is it by her looks? the way she dress? the way she acts or talks? the friends or people his in contact with? Depends on your criteria of knowing a person here comes Ms. Unknown because everyday you'll be surprise how her...