Chapter 3

17 2 0
                                    


"Everyone okay naba lahat? Walang ng nakalimutan?" Tanong ni Sir Faturbo pagkapasok sa Bus na naka assign samin. Ngayong araw kasi ang byahe namin papuntang Maxwell halos para kaming lumayas dahil sa dami naming dala, dahil hindi naman sigurado kung hanggang kelan kami dun. May tatlong bus pa na kasama namin umalis, hindi nga lang namin alam sino sino ang mga nandoon pagkarating kasi namin dito ay saktong alis naman ng dalawang bus na kasama pa.
 

I'm actually curious about anong klaseng school ang Maxwell Claurent; sikat itong school dahil sa dami ng studyante pumapasok dito, hindi rin papahuli ang kagandahan ng school natoh. Kilala din naman ang school namin dahil narin sa lawak nito, pero sa lahat ng skwelahan sa San Teodoro ay nangunguna talaga ang Maxwell Claurent sa lahat kung baga pangalawa lang kami.
 

"Aaaaayyyy! Salamat nakarating din!" Umiinat na sabi ni Duan. Halos lahat din kami ay humihikab at naguunat ng katawan dahil sa ngalay sa byahe. Madilim pa ng makarating kami sa Maxwell at dumatetso agad kami sa building kung saan kami mananatili, simula pagpasok namin ay mahahalata na ang kalakihan nito.
 

"Alright guys, ayusin niyo na ang gamit niyo, and then rest. Each one of you has your own room, and you've got your numbers kanina bago tayo umalis, so wala naman na magiging problema pwede din kayong maglibot mamaya since ito na ang magiging school niyo ngayon. I'll just talk to the teachers here para maiayos ang schedules niyo." Mayroon namang guide and some staff ng school na nagintindi samin at hinatid kami sa kanya kanya naming kwarto. Well, all I can say is that this school is so damn rich! Sino magpapatayo ng mini building na para lang sa limang tao? It's like a mini house, yet it looks like a mini building. May malawak na kwarto. Kasya na ata ang isang pamilya dito, eh sabi ko sa isip ko habang nililibot ang tingen sa buong kwarto ko. There is a wide comfort room, a king-size bed, a study table, and a mini library. Kusina at ref nalang at kulang dito eh. I might as well enjoy this habang nandito kami.
 
 

"SO saan ka ngayon Siege?" Tanong sakin ni Sion, nandito kami ngayon sa harap ng mini building na tinutuluyan namin. And we kind of look dumb, kasi pinagtitinginan kami ng mga studyanteng mga dumadaan. Nagkataon kasi na ngayong araw din ang Maxwellian Day kung baga Foundation Day nila, where they opened a lot of stalls and introduced a lot of booths.
 

"Hahanapin namin yung law building were going to check some booths too," said Saad naman ni Armin. Law students, kasi silang dalawa ni Duan at nursing students naman si Sion at Sach, ako lang talaga ang naligaw na architecture students.

"Magiikot ikot lang muna ako," sagot ko. Ang totoo niyan gusto kolang talaga hanapin ang mga kolokoy kong mga kaibigan, kasama din kasi ang mga basketball player sa inilipat sa Maxwell, and sad to say, kasama ang tatlo kong kaibigan sa player. Chain is the captain ball, and Cloud is the vice captain.
 

While walking around, isa lang ang masasabi ko. This school is so fucking huge! They have their own mall and hospital, and each department has its own buildings. Their cafeteria and library are also huge. Ngayon alam kona kung bakit nga sila sikat. Marami ding studyante na nakakalat ngayon, and their booths are so damn expensive-looking.
 

"SIEGE!" Agad akong napalingon ako sa gilid kung nasaan ang gymnasium nila, and there they are, Niel and the twins with their CHU jersey. Pawisan narin sila at halatang kakagaling lang sa laro. "Kararating niyo lang dito muka na agad kayong nilaspag ah," biro ko habang umaakyat patungo sa kanila. "Dude! Sinagad agad kami ni coach!" Reklamo ni Cloud ng makaakyat ako sa kanila. "Ang sabi samin eh magpractice na agad kasi ilalaban kami sa players ng Maxwell sa isang araw!" Reklamo din ni Niel habang papasok naman kami ng gym. Nadoon din nakaupo at nagpapahinga ang iba pang players ng CHU na halatang halata ang pagod.
 

"Kahit first year hindi pinatawad ah HAHAHA," sabi ko kasi nakita ko ang ibang mga bagong salang na first year na halos humiga na sa sahig ng gym. "Walang magagawa, sabi kasi dito na magaling daw ang taga Maxwell sa basketball," saad ni Chain sa likod ko habang nagce cellphone. Hindi na toh laging nahiwalay sa cellphone niya. Ni hindi nga namin kilala sino ang boyfriend niya, kasi through online lang sila nagkakilala, and then boom! Sila na.
 

"Nakapagikot naba kayo dito?" Tanong ko habang iniikot ang tingin sa buong gym. Sobra itong malawak na siguradong kasya talaga lahat ng studyante sa MC, kalahati lang ata nitong gym ang occupied ng mga taga CeedHall eh. "Hmmm...not yet last game naman na namin ngayon, then bukas ulit, hintayin monalang kami hanapin din natin building natin sa Arch," said Chain. Eksakto naman na pumito na ang coach nila na hudyat ng pagsimula. Mga ilang oras din bago sila natapos dahil maraming sinita at pinapagalitan ang coach nila. Ngayon naiintindihan kona kung bakit halos tulog sila sa klase dahil sa pagod.
 
 

"Where are we going now?" Tanong ni Niel habang papalabas kami ng gym. "Ikot muna tayo, sa sobrang lawak nitong school nato, eh, for sure di kasya isang araw para maglibot," sagot naman ni Chain. Marami rami din ang nagdadadaan na studyante, kaya medyo nauna ako sa kanilang maglakad pababa ng hagdan. Nasa pangatlong hakbang palang ako pababa ng may sumanggi sakin pababa na syang muntikan konang ikahulog buti nalang at nabalanse ko agad ang paa ko. Agad namang nagsorry ang dumaan. Pero napagtripan nga ata ako ni tadhana ngayon kasi pagka apak ko sa sunod na baitang ay sya namang pagsala nito na syang ikinahulog ko ng tuluyan.
 

"SIEGE!" Pakinig kong sigaw ng mga kaibigan ko na nangibabaw.
 
Takte! Pati ba naman gwapo kong muka mababangasan!

 
Pumikit nalang ako at tinanggap ang kapalaran kong mahulog. Naramdaman ko na nahulog ako, pero walang akong sakit na naramdaman, at isa pa! May malambot na bagay na nakadikit sa labi ko. Automatiko akong nagmulat agad naman akong napatayo at hinawakan ang labi ko. Parehas kaming nakatulala at nakatingin sa isat isa.
 
 

TANGINA! I accidentally kissed someone, and the worst thing is... LALAKI!
 
 
 
 
 
 

Exchange of Hearts Where stories live. Discover now