Chapter 1

10 0 0
                                    

"Mister Hemenes, sigurado kabang okay na ang kamay mo? You know we can find someone to replace you," automatikong napakunot ang nuo ko sa sinabe ng trainor namin na si Sir Faturbo. Replace me? Tsk! How many times do I have to tell them, Okay ang kamay ko "Don't get me wrong, Siege, mahirap din sakin na papaltan ka knowing you're one of the best lead guitarists na meron ang school natin. Pero mas dapat nating unahin iyang kalagayan ng kamay," saad pa na niya.

"I can do it, coach; hindi ko naman itotodo konting practice pa okay na ulit toh, sir," biro ko sa kanya. I understand his worries; it's not just for my health but also for what my dad will say. Knowing that old man...takteng matanda kasi yun tsk!

"Alright, ah isa pa pala Siege. Your band should do well. Alam mo naman siguro na pupunta dito ang Heads Administrator ng MC diba? Malay mo mapili nila kayo to perform sa Battle of the Band National," said Sir Faturbo, who had nagaayos ng ilang mga papeles sa mesa niya. "Ahh...nga pala, sir, bakit napadpad dito yung Maxwell? We all know na wala naman silang mapapala dito," tanong ko habang naglalaro ng dart. Malawak ang opisina ni Sir Faturbo may sariling guest area. May sarili din syang refrigerator dito. Higaan nalang talaga kulang sa kanya.

"That's... I don't know *chuckles, who knows anong tumatakbo sa isip ng Head natin?" saad ni sir. Tumango tango nalang at at inikot ang opisina niya. "Sir, bakit hindi kayo magdagdag ng kama dito," seryosong saad ko habang sinisipat at itinuturo ang isang bakanteng lugar sa sulok ng opisina niya. Perfect tong lugar natoh. Medyo malaki laking kama–Aray pota! Nakangiwing nilingon ko si sir, habang kinakamot ang ulong natamaan ng marker na ibinato niya.

"Puro ka kalokohan Mister Hemenes, hala sige lumayas kana dito't bumalik kana at baka nagsisimula na ang klase mo," saad niya. Nakangusong lumabas naman ako habang kamot kamot ang ulo. Takte! Ano bang meron sa mga tao ngayon trip na trip na batuhin ako. Hindi ba nila alam na pwede akong mabobo sa ginagawa nila tsk tsk.

"SEYGIIIIEEEEE!! MY LOOOOOVVVEEE!!" napaigtad ako sa gulat dahil sa lakas ng echo na nangibabaw sa hallway. Automatiko din akong napangiwi ng maramdaman ko ang pagkapit ng kung sino man sa braso ko. "Earl, what do you need?" Ngiwing tanong ko habang pilit inaagaw ang braso kong kapit kapit niya. Nginitian niya lang ako mas lalo pag-idinikit sa kanya.

"My love, hindi moba ako namiss?" Malanding tanong niya sakin habang hinahawakan ang pisngi ko na ngiwi ko namang iniiwasan. "Anong ginagawa mo dito Earl? Wala kabang klase? Sige na alis na baka may klase ka pa" pilit ngiti kong sabi habang nilalayo sya sakin na agad naman niyang ikinasimangot. Isa talaga toh sa iniiwasan ko araw araw, kung kailangan kong magpa late para di magsalubong ang landas namin gagawin ko. Iisa lang kasi ang ang building ng architecture at education, kaya hindi talaga maiwasan na magkasalubong ang landas namin na pilit kong pinipigilan.

"Hmp! Siege, my love, how dare you! Hindi mo manlang ako namiss ilang araw na tayong di nagkikita."Malamang iniiwasan kita

"At saka yang mga kaibigan mo ha, akala moba hindi ko alam? Na yang mga kaibigan mo ang kumakain ng binibigay ko sayong chocolates, huh?" How am I supposed to eat those? Nginitian ko nalang sya.

NAPAGIGTAD ako ng biglang hampasin ni Armin ka band mates ko ang lamesa na pinapagub uban ko, nasa music room kasi ako ngayon tinamad nakong bumalik sa class because of that encounter with Earl, halos naubos na niya ang energy ko. Hindi niya nga ako halos bitawan kung hindi kopa inuto ay hindi ako paalisin.

"Tumakas ka na naman sa klase mo ano? HAHAHA kapag nalaman yan ni Sir Faturbo lagot ka na naman," sabi naman ni Duan habang inaayos ang tono ng keyboard niya, magpa practice kasi ulit kami were just waiting for the others. Armin is our drummer, and Duan is our pianist. "I'm bored; nakakatamad na pumasok, hindi din naman sila nagka klase," saad ko saka lumugmok ulit sa lamesa. I slept late last night because of my insomnia, and I also finished the plates that were passed earlier. Kung hindi lang ako sinabihan ni Niel, eh hindi ko pa magagawa yun.

"Sabagay some of the professors are busy handling things para sa isang araw," saad naman ni Duan. Pangatlong araw narin namim na halos walang klase, and I'm very thankful for that. Ayokong mapaginitan na naman sa klase. Ano bang meron sa mga tao ngayon at ako ang trip na trip? Mabait naman ako gwapo pa tsk!

Nabasag ang katahimikan naming tatlo ng bumukas ang pinto at pumasok ang dalawa pa naming hinihintay. "Bon après-midi" bungad ni Sachelle, our base guitarist. "Mag tagalog ka Sach, antagal tagal monang naninirahan sa pinas dayuhang salita padin ang ginagamit mo," agarang saad naman ni Duan na syang ikinatawa namin. Half French Half Pinoy kasi si Sach matagal tagal narin syang naninirahan dito, pero hahagya padin syang magsalita ng tagalog. Halos sa araw araw na nagkikita kita kaming magkakabanda eh lagi nang nagaaway yang dalawa.
Napalingon ako sa tabi ko ng hilahin ni Sion ang upuan na katabi ko at inilapag ang mga dala nilang pagkain. "Peace offering?" Tanong ko "Yeah, HAHAHA, nakaka ilang beses na kasi kaming late," saad naman niya. Student Council member kasi ang dalawa kaya hindi maiwasang hectic ang schedule nila para sa banda dagdagan pa ng klase nila. I understand it though, sila lang naman ang ginagawa itong big deal.

"Ha! Can't you just greet me a good afternoon before nagging? Agaçant!" (annoying) tuloy padin na pagtatalo nila Sach at Duan. "Nyenye panong good ang afternoon ko kung ikaw ang makikita ko?" saad naman ni Duan.

"Hindi nako magtataka kung magkakatuluyan kayong dalawa, dyan din nagsimula nanay tatay ko eh," singit ni Armin habang nakahalumbaba na kala moy sinusuri ng seryoso ang dalawa. "cela n'arrivera jamais; I like girls, and even if I like boys, nihin ko sya patutulan" (that will never happen), giit ni Sach. Napabungisngis naman ang katabi ko dahil sa pagkabulol ni Sach sa tagalog.

"Ha! At akala mo papatulan kitang French Fries ka? Asa ka!" Ganti naman ni Duan nasyang ikinatawa namin. Hindi talaga sila magkasundo, kahit sa pagtugtog ay hindi sila nagkakasundo. I kept looking at Duan because I noticed that there was a strange emotion in his eyes when Sach said that he wouldn't like him.

"I smell something fishy," bulong ko.
 

Note:

Siege, Lead Guitarist

Sachelle, base guitarist

Sion, Electric Guitarist

Armin, Drummer

Duan, Pianist

Exchange of Hearts Where stories live. Discover now