Dear Diary: 1

35 0 0
                                    

Dear Diary...

Pumunta kami ng friend kong si Althea sa canteen para maglunch.. After a minute nakita ko si Crush.... Si bestfriend naman na super supportive sakin, nandun lang sa tabi ko.

Hi Crush, nakita kita kanina sa canteen. Galing ka siguro sa gym, pawis na pawis ka non, ung buhok mo medyo magulo na pero ang gwapo mo parin kahit pawisan ka.

Nakaupo ka non usual spot niyo, kasama yung mga kaibigan mo para mag lunch.

Ang saya saya mo nga non e, nagkukwentuhan kayo.... may time na habang nagkukwento ka, natatawa ka pa. Ang cute mo tumawa. Pati yung mata mo ngumingiti din kapag tumatawa ka, ang sarap mong titigan.... Habang kumakain ako ng lunch, hindi ko maialis yung tingin ko sayo. Nakakatuwa ka kasi e.

Alam mo crush, ang sarap isipin na ako yung dahilan kung bakit ka nakangiti, tumatawa at masaya. Pero hindi e, imposible yun, hindi mo kasi ako kilala. Mag kaiba kasi ang mundong ginagalawan natin. Naku! Kung saan pa tayo mapunta sa kadramahan ng buhay ko.

Nang di sinasadya habang tumatawa ka, napatingin ka sa table namin. Buti nlng malapit ang table namin sa table nyo. Kami---2nd table---kayo. Buti nalang din na walang nakaupo sa next table kaya walang nakaharang sayo.
Ilang segundo ka lang napatingin sakin nun, at nginitian mo pa ako.

Sobrang saya ko non. Halos mabugbog ko na nga si Althea dahil sa sobrang saya ko. Ilang segundong ngiti lang yun pero sobrang saya ko na, paano pa kaya kung napansin mo na ako? Edi pwede na akong mapunta ng mars non... ^__^

Nagmamahal,
Carisse

Hi Crush!Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin