Dear Diary: 3

15 0 0
                                    

Dear Diary....

2 days na walang pasok 😔. Ang masama, tinambakan kami ng madaming assignments! 😔

Ang good news, tapos ko ng gawin lahat ng assignments, tinapos ko kagabi. Nang makauwi ako dito sa bahay ginawa ko na lahat ng assignments ko 😄😄

Yun nga lang, wala na akong gagawin... 😔

Nagtext saakin si Althea. 'Best, magbukas ka ng fb acc mo, dali!!!'

Ni-reply-an ko siya. 'Bakit? Anong meron?'

Nagtext ulit siya. 'Basta'

Katulad ng sinabi ni Althea, inopen ko na ang fb acc ko. Ilang weeks narin akong di nagoopen e. Si Althea lang naman ang nagbubukas ng fb ko minsan. Wala naman kasi akong napapala sa fb! Hindi ko naman friend si Crush

Pagka open ko ng fb ko, tumambad saakin ang Notifications: 10, Messages: 3 Friends: 1

Nagmessage saakin si Althea

'Carisse!!!!'

'Ano?'

'Tignan mo yung may friend request sayo! Bilis!'

'Bakit nga?'

'Basta!'

Tinignan ko na nga ung friend request.

Si crush? Si Crush nga!!!
Oh My!! 😳

Nagsend ng friend request saakin si Crush!! ☺️

Kinikilig ako!!! ☺️😊

Choosy pa ba ako?

Syempre inaccept ko na ung friend request niya... 😊😊😊

Nagmessage ulit ako kay Althea

'In-Add niya ako!! -^__^- Gosh!!'

'Yieee kinikilig tuloy ako! 😊'

'Ako din nga e'

'Yieee... Uhmm Carisse out na ako, tutulongan ko kasi si mama'

'Sige thank you Althea'

..

Crush, yung totoo. Napapansin mo na ba ako? Nakikilala mo na ba ako? Kaya mo ba ako nginitian sa canteen kahit saglit lang? Kaya mo ba ako sinend-an ng friend request?

Alam mo ba, lagi mo akong pinapasaya...Kahit simpleng bagay lang yung nagawa mo, hindi mo lang alam may napa saya ka na pala.

Nagmamahal,
Carisse

Hi Crush!Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin