Letter: 1

12 0 0
                                    

Dear Carisse...

Hi! Crush na crush nga kita e. Yun lang, hindi mo ako kilala

Marami rin sigurong nagkakagusto sayo. Isa nga ako don e, ang problema hindi ko masabi sayo. Hindi ko alam kung bakit e...

Basta ang alam ko gusto kita.

Madalas kita makita sa school. Minsan sinasadya ko talagang makita ka, minsan naman nagkakataon lang. Madalas nga akong magpapansin sayo e. Pero mukhang hindi mo napapansin yon. May crush ka ding iba, siguro.

Siguro si James yung crush mo. Marami rin kasing may gusto sa kanya e. Gwapo siya, matangkad, sporty kaya siguro mo siya nagustuhan.

Nagsend pala ako sa ng friend request sa facebook account mo. Araw araw ko ngang binubuksan yung account ko e. Lagi kong tinitignan yung notification, kung inaccept mo na yung friend request ko. Pero mukhang imposible mo nang i-confirm yon. Hindi mo nga ako kilala e.

Nung nakasalubong nga kita, nginitian kita pero hindi mo naman pinansin.

Sana maiaccept mo na yung friend request ko, para naman kahit sa mundo mo sa facebook nalang ako makapasok. Ok lang naman saakin na maging friends tayo. At gagawa ako ng paraan para makapasok ako mundo mo.

Your Secret Admirer...

Hi Crush!Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin