Althea: 1

8 0 0
                                    

Best friend, mahal ko siya. Pero mas mahal kita. Kaya ngayon, pinapakawalan ko na siya sa puso ko, dahil alam kong gusto mo din siya. Mas importante ka saakin, ayokong mawala ka. Kaya handa akong masaktan maging masaya ka lang.

Pinipilit kong maging masaya sa harap mo, sinusupurtahan kita lagi, kahit nasasaktan ako ginagawa ko parin iyon.

Ayokong dahil lang sa lalaki masira ang pagkakaibigan natin. Alam ko namang makakatagpo ako ng mas higit sakanya, kaya simula ngayon sinasanay ko na ang sarili kong kalimutan siya at maging masaya para sayo.

Masaya naman ako para sayo. Nasasaktan ako pero worth it naman dahil masaya ka. Masaya ako kapag masaya ka. At ayokong masaktan ka. Mas mabuti nalng na hindi mo malaman na gusto ko rin siya. Atleast kampante ka. Atleast hindi mo iisipin na nasasaktan ako.

Pinipilit kong kalimutan na may pag tingin ako sa kanya, at kinakaya ko naman, nagagawa ko iyon nang hindi mo nahahalata. Nababawasan narin yung pagtingin ko sa kanya, at may nagugustuhan na akong iba. Huwag kang mag alala. Hindi ko isisekreto kung sino siya.

Kaya sana magbunga ang pagsasakripisyo ko.

Maging masaya ka lang sa kanya. Masaya na ako

Hi Crush!Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin